1,595 total views
Inilunsad ng Vincentian Foundation programang pabahay para maging pansamantalang kanlungan ng mga pamilyang naninirahan sa mga lansangan.
Ayon kay the Vincentian Missionaries Social Development Foundation Executive Director Fr. Geowen Porcincula, CM ito ang tugon ng kongregasyon upang matulungan ang mga street dwellers na magkaroon ng maayos at ligtas na maisilungan lalo na sa panahon ng mga kalamidad.
Sinabi ng pari na ang Onward Home ay isa lamang sa ilang housing-based programs sa Metro Manila para sa mga street dwelling families na makatutulong sa pagtugon sa tumataas na bilang ng mga walang tahanan sa National Capital Region na tinatayang nasa tatlong milyon habang nasa 250-libo hanggang isang milyong mga bata ang natutulog sa kalye.
“Extreme weather events make life precarious, but even more so for those living in poorly constructed dwellings. Flooding, typhoons, and heavy rains can cause these shelters to collapse, leading to loss of life and families with nowhere to go,” ayon kay Fr. Porcincula.
Nangangamba ang pari sa kalagayan ng mga nasa lansangan sa panahon ng sakuna na walang maayos na matutuluyan tulad ng mga naninirahan sa ilalim ng tulay, kariton, at lalo na sa gilid ng mga pangunahing lansangan na lubhang lantad sa panganib.
“Once on the street, they are exposed to multiple risks, including violence and exploitation. Children are particularly susceptible to abuse,” dagdga ng pari.
Naniniwala si Fr. Porcincula na mahalaga ang mga kanlungan upang maiwasan ang usapin ng mental health crises, exploitation, at human trafficking gayundin ang kawalang access sa wastong edukasyon na isang daan upang magkaroon ng trabaho at unti-unting makaahon sa kahirapan.
Katuwang ng Vincentian Foundation sa Onward Home ang Depaul International at Vincentian Family Philippines kung saan sa loob ng 12 buwan ay sasailalim ang mga pamilya sa iba’t ibang formation program katuwang ang mga eksperto tulad ng social workers upang ganap na maging handa sa permanent housing at maturuan ang mga magulang na magkaroon ng kabuhayan sa pamamagitan ng Vincentian Foundation’s Social Enterprise Development Center.
”
A home is not just a shelter, but a place of dignity, stability, and new beginnings. As the first families move in today, it is the first step on their journey toward a permanent home. Over the next 12 months, we will prioritize their mental health, psycho-emotional well-being, and economic stability to ensure a successful transition,” giit ni Fr. Porcincula.
Tiniyak ng pari na ang mga bahay ng Onward Home na matatagpuan sa Vincentian Foundation Kawayan Housing site sa Bagong Silangan, Quezon City ay matibay at gawa sa Cement-Bamboo Frame Technology (CBFT) na nilikha ng Base Bahay Foundation na nakadisenyo laban sa anumang banta ng sakuna tulad ng bagyo, malalakas na hangin, at lindol.
Pinangunahan ni Fr. Porcincula ang pagdiriwang ng Banal na Misa bago ang isinagawang turnover sa ilang pamilya na mauunang sasailalim sa programa ng Onward Home.