Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Operasyon ng coal-fired power plants, ipinapatigil ng Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

 263 total views

Pangungunahan ng Archdiocese of Lipa Ministry on Environment ang paglulunsad ng programang ‘Piglas Batangas Piglas Pilipinas, break free from fossil fuels’.

Ayon kay Fr. Dakila Ramos, Head Minister ng AMEN layunin ng programa na wakasan ang kasalukuyang operasyon ng lahat ng coal-fired power plant facilities sa bansa, at hamunin ang susunod na administrasyon na tanggalin ang paggamit sa fossil fuels bilang pinagkukunan ng enerhiya.

“Tayo po ay iniimbitahan ng ating mahal na Archbishop 5 days before the election, yung Piglas Pilipinas, Piglas Batangas, ano pong ibig sabihin nito? Tayo’y pumiglas to breakfree from the fossil fuels sapagkat ito po ang kalakaran, lahat na po ay para sa coal yung iba para sa mga iilang mamamayan sa mga kumikita pero eto po tayo ay pumiglas ibigsabihin to breakfree from this chain na umaalipin sa ating lahat.” Pahayag ni Fr. Ramos.

Samantala, hinamon naman ni Lydi Nacpil – Convenor ng Philippine Movement for Climate Justice, ang mga kandidato na manindigan at protektahan ang buhay ng bawat nilalang na nakaugat sa masaganang kalikasan.

Pinayuhan rin ni Nacpil ang mga national at local candidates na huwag magpasilaw sa salaping iniaalok ng mga negosyante at unahin ang kapakanan bayan.

“Kami po ay nananawagan, in fact naghahamon sa mga kandidato na manindigan para sa kalikasan.” Bahagi ng pahayag ni Nacpil Bukas pormal na ilulunsad sa lalawigan ng Batangas ang mobilisasyon ng Piglas Batangas, Piglas Pilipinas.

Magugunitang, inihayag ng National renewable Energy Board, na kung hindi pipigilan ang pagtatayo ng mga karagdagang planta, sa mga susunod na taon ay magiging 80% hanggang 90% nakadepende ang Pilipinas sa maruming enerhiya.

Sa kasalukuyan mayroong 17 pasilidad ng coal-fired power plants sa Pilipinas habang nakatakda pang magtayo ang pamahalaan ng 29 na pasilidad hanggang taong 2020.

Patuloy itong tinututulan ng Simbahang Katolika at mga makakalikasang grupo matapos iulat ng Center for Global Development na ang Pilipinas ay pang 32 sa 50 mga bansang may pinaka mataas na carbon emission

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,896 total views

 25,896 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,984 total views

 41,984 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 79,647 total views

 79,647 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 90,598 total views

 90,598 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 162,348 total views

 162,348 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 106,194 total views

 106,194 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top