Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Our Lady of the Assumption parish, kinilalang “bedrock of faith at witness to history

SHARE THE TRUTH

 797 total views

Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Our Lady of the Assumption Parish sa Canaman, Camarines Sur sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa.

Sa unveiling ng national historical marker, tinukoy ni National Historical Commission of the Philippines OIC-Executive Director Carminda Arevalo mahalagang papel ng Our Lady of the Assumption Parish sa pagpapalago ng pananampalatayang Katoliko at bilang saksi sa mayamang kasaysayan ng bansa.

Ayon kay Arevalo, ang National Historical Marker ay iginawad bilang pagkilala ng estado sa pinakamatandang parokya sa Pilipinas.

“Isa ang Simbahan ng Canaman sa pinakamatandang parokya hindi lamang sa kaBikolan kundi sa buong Pilipinas. Ang paglalagay ng panandang pangkasaysayan na ito ay pagkilala ng estado sa papel na ginampanan ng Simbahang ito hindi lamang bilang gusaling pang-relihiyon kundi bilang makasaysayang pook ng Pilipinas.”pahayag ni Arevalo.

Tiniyak naman ni Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang patuloy na pangangalaga at pagpapayabong sa Simbahan ng Our Lady of the Assumption Parish ng Canaman.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na mahalaga para sa Simbahan ang kasaysayan lalu na ang history of salvation na nakaugat sa kasaysayan ng buhay ng tao.

Sinabi ni Archbishop Tirona na ipinapaalala ng mayamang kasaysayang nasaksihan ng Our Lady of the Assumption Parish ng Canaman ang katotohanang magkaugnay ang mayamang kasaysayan ng isang bayan sa patuloy na pagpapalago ng pananampalataya sa maykapal.

Sa naganap na paghawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan sa Our Lady of the Assumption Parish ay pormal din na kinilala ang parokya bilang “Bedrock of Faith, and a Witness to History.”

Itinatag ang Our Lady of the Assumption Parish noong 1583 sa ilalim ng Arkidiyosesis ng Nueva Caceres na isa sa pinakamatandang Simbahan hindi lamang sa Bicol region kundi sa buong bansa.

Nasasaad sa panandang pangkasaysayan o National Historical Marker na mababasa sa tarangkahan ng Simbahan ang mayamang kasaysayan na nasaksihan ng Our Lady of the Assumption Parish o mas kilala bilang Simbahan ng Canaman.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 22,926 total views

 22,926 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 31,026 total views

 31,026 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 48,993 total views

 48,993 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 78,078 total views

 78,078 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 98,655 total views

 98,655 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 899 total views

 899 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,719 total views

 1,719 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,160 total views

 7,160 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top