PACE, nanindigan laban sa Adolescent Pregnancy Prevention Bill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,479 total reads

Mariing nanindigan ang Parents Advocacy for Children’s Education (PACE) sa Senate Bill 1979 or the Adolescent Pregnancy Prevention Bill.

Ayon kay PACE Founding Chairman, Professor Rey Vargas, PhD, nakababahala ang panukala na maaring maisantabi ang karapatan ng magulang sa pagtalakay ng mga sensitibong usapin sa mga anak.

Nangangamba rin si Vargas sa mandatory Comprehensive Sexual Education (CSE) sa mga paaralan na nakabatay sa international standards.

“I will not be in favor because it encroaches parental rights, to the point of taking away their consent. The Bill also demands mandatory CSE which is designed from international standards. In total, magiging accessible na ang reproductive facilities, even abortion, without even parental consent,” pahayag ni Vargas sa Radio Veritas.

Batay sa orihinal na bersyon ng panukala dapat compulsory ang pagpapatupad ng CSE sa pribado at pampublikong paaralan at hindi dapat umasa sa pagpapasya ng mga guro o schools administration ang pagpapatupad sa halip ay isama sa curriculum ng eskwelahan ayon sa panuntunan ng Department of Education at international standards.

Upang matiyak ang pagpapatupad ng CSE sa mga paaralan iminungkahi sa panukala gawin itong requirements sa Philippine Accreditation System for Basic Education o PASBE ng DepEd.

Tinalakay din sa panukala ang mga panuntunan at programang ipatutupad para sa mga guro at magulang sa paggabay sa kanilang mga anak sa usapin ng sekswalidad.

Una nang tinutulan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang panukala at tinawag na ‘diabolical’.

Samantala inirerekomenda ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Sherwin Gatchalian na isantabi ng DepEd ang CSE sa halip ay ipatupad na lamang ang Reproductive Health Education na isinaad sa RH Law na pinagbatayan ng SB 1979.

Una nang binawi nina Senators JV Ejercito, Nancy Binay, Bong Go, Cynthia Villar, Bong Revilla Jr., Loren Legarda, at Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang kanilang suporta sa panukala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 33,771 total reads

 33,771 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 68,371 total reads

 68,371 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 124,777 total reads

 124,777 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 246,639 total reads

 246,639 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top