Paco Catholic school, pinuri ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,997 total reads

Umaasa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na pag-ibayuhin pa ng Paco Catholic School ang pagpapalago ng pananampalataya sa pamayanan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa ika – 110 anibersaryo ng institusyon na patuloy ang pagsusumikap na maging katuwang ng simbahan sa pagmimisyon.

Naniniwala si Cardinal Advincula na bawat katolikong paaralan ay malaki ang tungkuling ginagampanan upang maipalaganap ang pananampalataya lalo na sa kabataan.

“Every Catholic School is a school of faith. With gratitude and humility, we pray that Paco Catholic School will be a seedbed of faith, hope, and love,” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula.

Batid ng cardinal ang malaking hamong hinarap ng sektor ng edukasyon noong pandemya ngunit pinagsumikapan ng eskwelahan sa pagtutulungan ng mga guro at sa pangangasiwa ni Fr. Maxell Aranilla bilang School Director na maihatid ang edukasyon sa kabataan gamit ang makabagong pamamaraan sa tulong teknolohiya.

Pinuri ni Cardinal Advincula ang pagsusumikap ng Paco Catholic School na mananatiling kaisa sa misyon ng simbahan sa kabila ng mga pagbabago.

“We note that Paco Catholic School has been established to integrate the faith in the lives and learning experiences of the school community,” ani ng cardinal.

Umaasa rin si Cardinal Advincula na lalago ang institusyon sa pag-ibig at kawanggawa na magdudulot ng pag-asa sa bawat kabataang hinuhubog sa eskwelahan.

“Let the mission of Catholic Schools be expressed in charity by bringing our students closer to Jesus. Unless we submit ourselves to the power of Jesus, we will not be able to fulfill our evangelizing mission inn the Church,” giit ni Cardinal Advincula.

Itinatag ang Paco Catholic School noong November 8, 1912 sa pangunguna ni Fr. Raymond Esquenet ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary na nangasiwa noon sa Paco Church at ipinagpatuloy ni Fr. Godfried (Godofredo) Aldenhuijsen, CICM.

Kinilala at pinasalamatan ni Cardinal Advincula ang mga nagpasimula sa eskwelahan, mga guro at kawaning nagsusumikap na paglingkuran ang bawat kabataang itinataguyod ang Paco Catholic School.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 22,985 total reads

 22,985 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 124,249 total reads

 124,249 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 194,425 total reads

 194,425 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 280,922 total reads

 280,922 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 322,252 total reads

 322,252 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top