Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbabayanihan, kailangan sa magkasunod na pananalasa ng bagyo sa bansa

SHARE THE TRUTH

 4,144 total views

Nagpaabot ng panalangin ang Archdiocese of Manila sa mga biktima ng bagyong Ulysses na nanalasa sa Metro Manila at ilang mga lalawigan sa Luzon na nagdulot ng malawakang pagbaha.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, higit kailanman ay kinakailangan sa ngayon na ipalaganap ang pagkakaisa at pagtutulungan sa kabila ng magkakasunod na kalamidad at ang patuloy na banta ng pandemya.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang bawat isa na patuloy na manalangin at tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo.

Hinikayat din ng Obispo ang lahat na patuloy na magpaabot ng tulong sa mga higit na nangangailangan lalung-lalo na sa mga residenteng matinding tinamaan ng bagyo.

“Magtulungan tayo sa ganitong panahon. Patuloy tayo na magdadasal at pagkatapos ng bagyo, kung anumang masi-share natin, ishare natin sa iba lalung-lalo na sa mga napinsala ng bagyong ito. Magkaisa po tayo!” ang mensahe ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Dalangin din ni Bishop Pabillo, ang patuloy na patnubay ng Panginoon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Prayer
Bishop Broderick Pabillo

“O Diyos Amang mapagmahal, kami po’y humihingi ng tulong Sa’yo ngayong dumadating na naman at nandito na ang bagyong Ulysses at marami pong mga kababayan namin lalung-lalo na sa Bicol ay tinatamaan ngayon. Napapanganib din kami dito sa Southern Tagalog, at ganun din sa Maynila na tamaan ng bagyo. Kami po’y humihingi ng tulong. Gabayan N’yo po, iligtas kaming lahat at kung maaari po ay palampasin Mo ang bagyo, pahinain, palihisin sa amin at konti sana ang mga mapipinsala sa mga istruktura, sa mga tanim at lalung-lalo na sa mga buhay ng mga tao. Palakasin Mo po ang aming pananalig at naniniwala po kami sa Iyong pag-ibig sa amin. Kaya’t tulungan N’yo po kami sa ganitong pangyayari.

Ito pong lahat ay hinihingi namin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 8,929 total views

 8,929 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 23,640 total views

 23,640 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 36,498 total views

 36,498 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 110,766 total views

 110,766 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 166,420 total views

 166,420 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

ConCon, ipinapanawagan ng isang mambabatas

 2,404 total views

 2,404 total views Nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at

Read More »

Sumbong sa Pangulo website, inilunsad

 4,838 total views

 4,838 total views Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong Agosto 11 ang “Sumbong sa Pangulo” website—isang online platform kung saan maaaring makita ng publiko

Read More »

Mamamayan, binigo ng Senado

 19,975 total views

 19,975 total views Binatikos ni House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pasya ng Senado na i-archive ang impeachment

Read More »
1234567