Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbaha ng putik, Pinangangambahan ng mga Residente ng Zambales

SHARE THE TRUTH

 366 total views

Labis na nababahala ang mamamayan ng Sta. Cruz Zambales sa pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Benito Molino, Chairman ng Anti-mining group na Concerned Citizens of Sta. Cruz Zambales o CCOS, nangangamba ang mamamayan na maulit ang trahedyang naganap sa kanilang Lalawigan noong 2015 kung saan bumaha ng putik sa halos buong bayan matapos itong tangayin ng malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Lando.

“Masmalaki ang pangamba ngayon dahil ito nga, aktibo yung byahe, at dahil sa ganitong klaseng aktibo yung kanilang pagmimina ngayon, paghahakot ng kanilang mga stock piles ay posibleng kapag dumating ang malakas na ulan ay baka hindi lang maulit yung nangyari noong 2015 baka masmalala pa dahil nga nakita naman natin sobrang lawak na ang nasirang kabundukan.” Pahayag ni Molino sa Radyo Veritas.

Kaugnay dito, nanawagan si Molino sa mga bagong halal na Opisyal ng mga Barangay na kumilos sa pagprotekta sa kalikasan.

Giit niya, hawak ng mga lokal na opisyal ang magiging kinabukasan ng bawat Barangay sa kanilang lugar, dahil nasa kanilang kamay ang pagpapasya kung pahihintulutan ng mga ito na magkaroon ng mga Pagmimina sa kanilang Komunidad.

Iminungkahi ni Molino sa mga bagong lokal na opisyal na magtalaga ng kautusan o resolusyon na magbabawal sa pagmimina sa kani-kanilang mga Barangay.

“Panawagan natin sa kanila dahil ganun na kagrabe ang sitwasyon ng pagmimina at pagkasira ng kapaligiran, aba’y kumilos na sana sila, gawin nila ang kanilang tungkulin bilang mga Opisyales ng Gobyerno, na pangalagaan ang kagalingan ng kanilang mamamayan, kagalingan ng kapaligiran, kabuhayan,at ito’y magagawa nila sa paggawa nila ng mga resolusyon o deklarasyon na ihinto na ang pagmimina sa kanilang Barangay.” Dagdag pa ni Molino.

Ayon sa ulat ng CCOS, mayroong 9 na mining sites sa kanilang lalawigan, anim dito ang nagmimina ng Nickel habang 3 naman ang nagmimina ng Chromite.

Matatandaang kinondena rin ng Kanyang kabanalan Francisco ang hindi makatarungang gawain ng mga minahan dahil nag iiwan lamang ito ng malaking pasanin sa mga tao at sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 8,317 total views

 8,317 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 24,406 total views

 24,406 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 62,182 total views

 62,182 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 73,133 total views

 73,133 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 18,077 total views

 18,077 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 161,740 total views

 161,740 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 105,586 total views

 105,586 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top