Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagdiriwang ng ika-500 taon ng imahe ng Santo Niño, ilulunsad ng Augustinians sa Cebu

SHARE THE TRUTH

 406 total views

Inanunsyo na ng Order of St. Augustine Province of Sto. Niño De Cebu ang paglulunsad ng ika-5 sentenaryo ng pagdating ng imahe ng batang Hesus sa lalawigan.

Pangungunahan ito ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia kasama ang Philippine Province ng Order of St. Augustine.

Itinakda ng kongregasyon ang paglulunsad sa ika-13 ng Nobyembre sa Basilica Minore Del Santo Nino sa Cebu City na sisimulan sa isang conference alas-3 ng hapon kung saan tatalakayin ang kwento ng pagdating ng imahe at ang iba pang gawaing paghahanda.

Susundan naman ito ng banal na misa na pangungunahan ng Nuncio habang isasagawa rin dito ang unveiling sa 500 years logo ng Santo Nino arrival at pagbabasbas sa mga Santo Nino pilgrim images.

Ito rin ay hudyat ng puspusang paghahanda sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain ng Basilica kung saan hinimok ang mamamayan na makiisa at makibahagi sa makasaysayang pagdiriwang sa 2021.

Magugunitang Abril 1521 nang dumating si Ferdinand Magellan sa Cebu kasama ang mga misyonerong espanyol at nagpalaganap ng katolisismo sa lalawigan.

Inihandog ni Magellan kay Reyna Juana ang imahe ng Santo Nino makaraang binyagan ito ng mga pari at sumampalataya sa kristiyanismo kung saan bukod kay Juana, tumanggap din ng kaparehong sakramento si Rajah Humabon at ilang mga katutubo

Tema ng pagdiriwang ang ‘Santo Niño at 500: Santo Niño, the abiding presence of the Father in our journey of faith.’

Press Release Santo Niño at 500 Years Launching

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 4,444 total views

 4,444 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Mga biktima ng digmaan

 18,978 total views

 18,978 total views Mga Kapanalig, hanggang kailan pa magdurusa ang mga inosente sa nagpapatuloy pa ring digmaan sa Gaza? Kamakailan, inaprubahan ng gobyerno ng Israel ang

Read More »

Katiwalian at media

 30,221 total views

 30,221 total views Mga Kapanalig, nandidiri ba kayo sa korapsyon? Dapat lang. “Kailangang maging nakakadiri ang korapsyon,” sabi nga ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa

Read More »

Budget and spend responsibly

 42,178 total views

 42,178 total views Mga Kapanalig, “ber months” na!  Para sa ilan sa atin, ang unang araw ng Setyembre ay hudyat na papalapít na ang Kapaskuhan. Nagsisimula

Read More »

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 86,452 total views

 86,452 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CAPACITIES project, inilunsad ng CRS-Philippines

 460 total views

 460 total views Paiigtingin pa ng Catholic Relief Services (CRS) Philippines ang pagtulong sa mga pinakanangangailangan kasabay ng pangangalaga sa kalikasan. Tiniyak ng CRS Philippines ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CMSP, pinamumunuan na ng isang chairperson

 717 total views

 717 total views Nagpahayag ng bagong yugto sa kasaysayan ng buhay-relihiyoso sa Pilipinas ang Conference of Major Religious Superiors of the Philippines (CMSP), dating kilala bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top