Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paggamit ng state resources tuwing halalan, ibinunyag ng LENTE

SHARE THE TRUTH

 647 total views

Inihayag ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na hindi lamang vote buying ang suliraning dapat solusyunan upang matiyak ang integridad ng halalan sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni LENTE Executive Director Atty. Rona Ann Caritos sa resulta ng isinagawang Abuse of State Resources (ASR) Monitoring Project ng LENTE noong nakalipas na National and Local Elections 2022.

Ayon sa pagsusuri ng LENTE ang Abuse of State Resources (ASR) o ang tahasang paggamit ng mga kandidato sa mga koneksyon at ari-arian na pagmamay-ari ng estado tuwing panahon ng halalan ay maituturing na isang uri ng kurapsyon o katiwalian sa pamahalaan.
Ipinahayag ng LENTE na hindi katanggap-tanggap ang paggamit sa mga ari-arian ng estado sa kampanya ng sinumang kandidato sapagkat inaalis nito ang integridad ng kabuuang proseso ng halalan.

“Abuse of State Resources (ASR) is an overlooked form of political corruption in the Philippines whereby candidates or political parties unduly utilize official powers and government resources to gain electoral advantage. What distinguishes ASR from the other acts of corruption is its indispensable electoral component, that is, the acts are committed to gain an advantage, and even ensure victory in the elections. Aside from vote buying, ASR is one of the most impactful ways of compromising electoral integrity.” pahayag ng LENTE.

Kabilang sa mga tinukoy ng LENTE na mga kaso ng Abuse of State Resources noong nakalipas na halalan ay ang paggamit ng mga sasakyan ng estado para sa transportasyon ng mga taga-suporta ng ncumbent candidates, gayundin ang paggamit sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan upang magsilbing lagakan ng mga campaign materials.

Ibinahagi ni Atty. Caritos ang ginagawa ng LENTE upang matugunan ang talamak na Abuse of State Resources tuwing halalan tulad ng pagsusulong ng policy and advocacy reforms sa Commission on Elections, Civil Service Commission, Department of Interior and Local Government at iba pang election stakeholders sa bansa.

“ASR (Abuse of State Resources) is a multi-faceted problem not only in Philippine elections but more importantly, from a governance standpoint. LENTE will continue to lobby for the necessary policy reforms to the Commission on Elections, Civil Service Commission, Department of Interior and Local Government, and other key election stakeholders to address the longstanding and prevalent practice of ASR.” Dagdag pa ng LENTE.

Iginiit ng LENTE na mahalagang mawakasan na ang mga Abuse of State Resources tuwing panahon ng eleksyon upang matiyak ang pagkakaroon ng integridad ng kabuuang proseso ng halalan.

Ang Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ay isa sa mga pangunahing kasaping organisasyon ng Halalang Marangal Coalition na binubuo ng iba’t ibang organisasyon na nagsusulong sa pagkakaroon ng matapat at marangal na halalan sa bansa na pinangungunahan ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 18,152 total views

 18,152 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 32,212 total views

 32,212 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 50,783 total views

 50,783 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 75,519 total views

 75,519 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567