22,783 total views
Ikinagalak ang Church People Workers Solidarity (CWS) sa pagkakahirang kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza bilang susunod na CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace Chairman at tagapangulo ng Caritas Philippines.
Ayon sa CWS, bunga ito ng paghihirap at higit na pagsusulong ni Bishop Alminaza ng karapatan at kapakanan upang makamit ng mga manggagawa at mamamayan ang katarungang Panlipunan.
“CONGRATULATIONS! BISHOP GERRY ALMINAZA, New Chairman of the
CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace President of Caritas Philippines,” ayon sa mensaheng ipinaparating kay Bishop Alminaza.
Naniniwala din ang CWS na sa pamamagitan ng ipagkakatiwalang pamamahala kay Bishop Alminaza ay higit na mapapabuti at mapaparami ang mga matutulungang mahihirap sa Pilipinas upang tunay na mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay at makaahon mula sa anumang uri ng suliranin na maaring kaharapin sa buhay.
“Your tireless efforts in promoting social justice and your profound love for the poor and all the marginalized sector inspires us to work for a more compassionate and a just world, Thank you for all that you do – CHURCH PEOPLE-WORKERS SOLIDARITY,” bahagi pa ng mensahe ng CWS.
Inihalal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza bilang bagong chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na hahalili kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na magtatapos ang termino sa ika-30 ng Nobyembre ngayong taon.
Si Bishop Alminaza rin ang humanitarian at advocacy arm ng CBCP na kilala sa kaniyang adbokasiya para sa karapatang pantao, katarungang panlipunan, at kalikasan dahil sa kaniyang pagsisilbi bilang Vice-president ng Caritas Philippines simula pa noong 2019.