Pagiging Global Geopark ng Bohol, malaking hamon sa Boholanos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,359 total reads

Hinimok ni Senatro Pia Cayetano ang mamamayan ng Bohol na magtulungang panatilihin ang maayos na kapaligiran.

Ito ang mensahe ng mambabatas sa pagbisita sa lalawigan kaugnay sa pagkilala ng UNESCO na Global Geopark ang Bohol.

Batid ni Cayetano na isang katangi-tanging pagkakataon na ideklara ang kauna-unahang geopark province sa Pilipinas dahil kadalasang partikular na lugar lamang ang kinikilala ng UNESCO.

“It’s very rare that [UNESCO] gives this award to a very big area. Often, it’s just one specific area; the challenge for Boholanos is to really preserve it.” bahagi ng pahayag ni Cayetano.

Ayon sa pag-aaral ng UNESCO mayaman sa likas na yaman ang lalawigan at pagkakaron ng karstic geosites tulad ng kuweba, sinkholes at cone karst kabilang na ang kilalang Chocolate Hills sa lalawigan.

Tiniyak ni Cayetano ang suporta sa pagsusulong ng sustainable tourism sa Bohol kasabay ang panawagang himukin ang mga turista sa kahalagahan ng pagpreserba ng mga likas na yaman ng lalawigan.

“We also need to educate visitors to contribute to the preservation and appreciation of the province, and not add to its damage. I also want to encourage, both the locals and the resort owners, to be involved in the promotion of sustainable tourism.” dagdag pa ng mambabatas.

Sa datos ng UNESCO may 195 geopark sa 48 mga bansa kung saan natatangi ang tinataglay ng Bohol na bukod sa Chocolate Hills ay matatagpuan din ang Danajon Double Barrier Reef na kaisa-isa sa Southeast Asia at isa sa anim na dokumentadong double barrier reef sa buong mundo na may 6, 000 years coral growth.

Una nang umapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa kapwa Boholano na magtulungang itaguyod ang pagpapahalaga sa likas na yaman at mahahalagang pook alinsunod sa panawagan ng Santo Papa Francisco sa ensiklikal na Laudato Si kung saan tungkulin ng bawat isa ang pangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,780 total reads

 55,780 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,124 total reads

 135,124 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,569 total reads

 168,569 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,867 total reads

 203,867 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,155 total reads

 428,155 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top