Pagkakaisa sa kapakanan ng kalikasan, panawagan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,691 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na maging aktibong kinatawan ng pagbabago para sa kapakanan ng nag-iisang tahanan.

Ito ang panawagan ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pagdiriwang ng Global Day of Action for Climate Justice sa December 9.

Umaasa si Bishop David na nangingibaw ang pagkakaisa ng lahat upang maging taga-pagtaguyod ng mga pangmatagalang pamamaraan, palakasin ang mga nasa laylayan ng lipunan, at pagyabungin ang paggalang sa lahat ng nilalang at nabubuhay.

“Each one of us is challenged to heed the cry of the Earth and the cry of the poor, to act with compassion and responsibility towards our environment and our brothers and sisters in the existential peripheries,” pahayag ni Bishop David.

Ibinahagi rin ng obispo ang apostolic exhortation ng Santo Papa Francisco na Laudate Deum na nagsisilbing paanyaya sa bawat isa na kilalanin ang pangkabuuang ugnayan sa pagitan ng katarungang panlipunan, ekolohiya, at pagsisikap na makamtan ang ikabubuti ng nakararami.

Sinabi ni Bishop David na ito rin ay panawagan upang tanggapin at unawain ang pagbabagong ekolohikal at sinodal, kung saan ang pagpili at pagkilos ay naglalarawan ng pangako ng bawat isa na pangalagaan ang sangnilikha ng Diyos.

“Pope Francis in Laudate Deum eloquently reminds us that our planet is a gift, a delicate tapestry woven with the threads of biodiversity, beauty, and interconnectedness. Yet, this tapestry is being destroyed before our eyes due to the wounds inflicted by human irresponsibility,” ayon kay Bishop David.

Umaasa ang pangulo ng kalipunan ng mga obispo sa Pilipinas na magsumikap ang lahat na maibalik ang pagkakaisa at ugnayan sa pagitan ng kalikasan at sangkatauhan, kung saan ang bawat nilalang ay lumalago alinsunod sa hangarin ng Diyos.

Kasabay naman ng Global Day of Action ang isinasagawang United Nations Climate Change Conference of Parties o COP28 Summit sa Dubai na nagsimula noong November 30 at magtatagal hanggang December 12, 2023.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SIMPLENG LOHIKA

 9,465 total reads

 9,465 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 87,855 total reads

 87,855 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 132,166 total reads

 132,166 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 169,167 total reads

 169,167 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 275,983 total reads

 275,983 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 111,711 total reads

 111,711 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top