Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakasundo ng Israel at Hamas, ipinagdarasal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 3,906 total views

Ipinanalangin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpanibago tungo sa pagkakasundo ng mga sangkot sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas sa Gaza.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, vice chairperson ng CBCP migrants’ ministry, higit na kinakailangan ang pakikipagkasundo sa anumang hidwaan sa halip na pairalin ang karahasan dahil magdudulot lamang ito ng pagkasira ng pamayanan.

“We turn to God for the change of heart, for conversion that they renounce violence and give peace a chance. Conflicts are resolved thru dialogue.” pahayag ni Bishop Santos.

Apela ng obispo sa mananampalataya na magbuklod sa pananalangin para sa kaligtasan ng mamamayan ng Israel at Gaza mula sa pag-atake Hamas sa Sderot City, Israel noong October 7 na ikinasawi ng mahigit 1, 000 indibidwal.
Dalangin ni Bishop Santos ang kaliwanagan ng isip ng mga lider na magkasundo habang apela sa mga migranteng Pilipino sa lugar ang kahinahunan at manatiling alerto.

“We pray for restraint and goodwill to reign in everybody’s heart and mind. We appeal to our OFWs to keep themselves safe, follow our government instructions and pray with us for peace and harmony.” dagdag ni Bishop Santos.

Unang hiniling ng Filipino Catholics sa Israel ang panalangin para sa katiwasayan at kapayapaan sa pagitan ng Israel at Palestina upang matigil ang hidwaan para sa kapakinabangan ng mamamayan.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs may 30, 000 ang mga Pilipino sa Israel kung saan 150 rito ang nasa Gaza strip ang sentro ng kaguluhan kung saan marami rito ang nagnanais makauwi sa Pilipinas.
Sa 29 na Pilipinong naiulat na nawawala, 23 dito ang na-rescue at nasa pangangalaga ng embahada habang isa ang kasalukuyang ginagamot dahil sa mga natamong sugat.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalinga ng Diyos sa lupa

 79,458 total views

 79,458 total views Mga Kapanalig, higit sa pagpapakain at pagbibigay ng lugar para maligo at matulog sa mga kapatid nating nabubuhay sa lansangan, ang pagbabalik sa

Read More »

Edukasyong pang-kinder

 97,565 total views

 97,565 total views Mga Kapanalig, lumabas sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na maraming estudyanteng Pinoy na nasa grade 3 ay may

Read More »

Kapayapaan sa sangnilikha

 102,988 total views

 102,988 total views Mga Kapanalig, kapayapaan sa sangnilikha! Noong isang linggo, binuksan natin ang “Panahon ng Sangnilikha” (o “Season of Creation”). Ipinagdiriwang ng Simbahan ang panahong

Read More »

ROBS TO RICHES

 162,378 total views

 162,378 total views Noong 2014, inilunsad ng Radio Veritas ang “Huwag kang Magnakaw” campaign na hango sa ika-pitong utos ng panginoon… Huwag kang Magnakaw! Itinatag ng

Read More »

ANO NANGYARI KAY TORRE?

 177,623 total views

 177,623 total views Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CEAP, makikibahagi sa TRILLION Peso march

 29,000 total views

 29,000 total views Makikibahagi ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) sa malawakang pagkilos upang ipakita ang paninindigan laban sa katiwaliang patuloy na nagaganap sa

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top