Paglalagay ng bakod sa Masungi Georeserve, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total views

Ikinabahala ng makakalikasang grupo ang muling paglalagay ng ilegal na bakod sa bahagi ng Masungi Georeserve na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Center for Environmental Concerns-Philippines, Executive Director Lia Mai Torres-Alonzo, nakababahala ang ginawang ito sa lugar kung saan mayroon pang mga armadong lalaki na nagbabantay.

“We are concerned with the recent fencing of an area of the Masungi Georeserve, especially the presence of armed men reportedly having high-powered weapons,” pahayag ni Torres-Alonzo sa panayam ng Radyo Veritas.

Nanawagan naman ang grupo sa Department of Environment and Natural Resources maging sa pamahalaang lalawigan ng Rizal na magsagawa ng agarang aksyon at imbestigasyon kaugnay nito.

Ayon pa kay Torres-Alonzo, isang inspirasyon para sa mga makakalikasan ang ginagawang pagsisikap at adbokasiya ng Masungi Georeserve.

Ikinalulungkot ng grupo kung ito’y mapipigilan ng mga makapangyarihang kumpanya na maipagpatuloy ang kanilang tungkulin na na pangangalaga sa kalikasan.

“The rehabilitation efforts and advocacy work of the Masungi Georeserve has been an inspiration for many environmental advocates. It would be unfortunate if they would be hindered to reach the full potential of their work,” ayon kay Torres-Alonzo.

Ang Masungi Georeserve ay isang award-winning conservation project na naging kilala bilang eco tourism site sa bayan ng Baras sa lalawigan ng Rizal.

Maliban sa eco-tourism efforts ng grupo, patuloy naman nitong isinasagawa ang pagtatanim ng mga punong-kahoy na napigilan lamang dahil sa pagpuputol ng mga puno at quarrying.

Ito rin ang ikalawang beses ngayong taon na naglagay ng mga bakod sa Masungi.

Ayon sa catholic social teaching, bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangang ang kitang ito’y nakakamit nang hindi nasasakripisyo o naaapektuhan ang bawat mamamayan lalung-lalo na ang kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,657 total views

 48,657 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,526 total views

 44,526 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,728 total views

 80,728 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,415 total views

 89,415 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,608 total views

 114,608 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top