Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,806 total reads

Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo.

Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng Paris Olympics-na isa aniyang pagkukutya sa pananampalatayang Kristiyano.

“These types of parodies are not merely harmless or simply creative expressions. Clearly, these are open attacks and disrespect to our faith. Would Jesus have allowed such things without taking or making a stand?,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.

Paalala pa ni Bishop Santos, na bilang isang simbahan ay marapat lamang na ating iparinig ang ating hindi pagsang-ayon sa ganitong uri ng paglapastangan, subalit dapat na tumugon nang may pag-ibig, biyaya at katotohanan.

“We as Church are not to back down and should make our voices heard. However, we must also respond with love, grace, and truth.”

Sinabi pa ng obispo; “The Church is called to uphold God’s Word with kindness and compassion because all of us are sinners in need of God’s saving grace.”

Binigyan diin pa ni Bishop Santos na bagama’t humingi na rin ng paumanhin ang organizer ng Paris Olympics sa pangyayari sa pananakit ng damdamin sa maraming Kristiyano, ay hindi naman humingi ng paumanhin ang mga ito sa kanilang ginawa.

Una na ring kinundena ng French’ Bishops Conference at ng ilang mga lider ng simbahang katolika sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang ginawang pagtatanghal sa Paris Olympics kung saan itinampok ang mga drag queen bilang apostoles habang isang DJ naman ang gumanap na Hesus sa depiction ng Last Supper.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 61,867 total reads

 61,867 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 99,898 total reads

 99,898 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 134,026 total reads

 134,026 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 190,432 total reads

 190,432 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top