519 total views

Homiliya para sa Pampitong na Araw ng Simbang Gabi, Huwebes ng Pang-apat na Linggo ng Adbiyento, Ika-22 ng Disyembre 2022, Luk 1:46-50

MAPAGMALAKI ang tawag natin sa mayayabang. In general, negative ang meaning nito. Pero pwede rin bang maging positive? Oo. At sa araw na ito, para makuha natin ang positive meaning ng PAGMAMALAKI, ito ang gagamitin kong translation para sa salitang Latin na “MAGNIFICAT” na naugnay sa sikat na awit ni Mama Mary na siyang binasa natin ngayon sa ebanghelyo. Kaya ang title ng homily na ito ay “ANG PAGMAMALAKI NI MARIA.”

Sa Unang Sulat niya sa mga Taga-Corinto 1:31, sinabi ni San Pablo: “Ang sinumang ibig magmalaki ay walang dapat ipagmalaki kundi ang gawain ng Diyos.” At ito nga ang lumabas sa bibig ni Maria matapos na ipagmalaki siya ni Elisabet, “Mapalad ka sa babaeng lahat, at mapalad rin ang ibubunga ng iyong sinapupunan.” At ang sagot dito ni Maria ay ang Magnificat. Ang punto niya ay simple lamang, “Ate Beth, hindi ako kundi ang Diyos ang dapat ipagmalaki.”

Ang kuwento ni Elisabet na narinig natin sa nagdaang mga araw ay parang pag-uulit ng kuwento ni Anna na narinig natin sa ating unang pagbasa sa Unang Aklat ni Samuel. Si Anna ay ang nanay ni Samuel, ang propetang tinawag mula sa pagkabata. Dating baog si Anna kaya humiling siya ng anak sa Diyos at nangakong kung pagkakalooban siya ng Diyos ng anak na lalaki, iaalay niya ito para maging tagapaglingkod ng pari sa templo. Sayang at pinutol ang kuwento. Kung tinuloy-tuloy hanggang chapter 2, narinig sana natin ang original na Magnificat ng Old Testament—ang Awit ni Anna.

Alam ninyong mahilig akong manghiram ng mga linya mula sa mga tula at lyrics ng mga kanta. Ganyan din si San Lukas; obvious na ang kanta ni Anna ang pinagkuhanan niya ng inspirasyon para sa Magnificat ni Maria. Sa totoo lang, si Elisabet ang ineexpect ko na aawit nito. May hinala ako na binago ni San Lukas ang balangkas ng komposisyon niya. Kasi sa pagtatagpo ng magpinsan, ang inaasahan kong magsasabing “Mapalad ka sa babaeng lahat at mapalad din ang ibubunga ng iyong sinapupunan” ay si Maria kay Elisabet. Kung paanong si Anna ang naging ina ng dakilang propetang si Samuel, gayundin si Elisabet ay magiging ina ng dakilang propetang si Juan Bautista.

Ibinigay pa nga ng anghel kay Maria bilang tanda ang balita tungkol sa pagbubuntis ni Elisabet. Tanda na totoo ang kanyang ipinahahayag kay Maria. Pero binigyan ng “twist” ni San Lukas ang kuwento. Hindi niya pinagbigyan ang mambabasa sa ineexpect niya. Ang twist na gagawin niya ay ito: Ang nagdadala ng sorpresa ang siyang masosorpresa. Si Maria ang may alam sa pagbubuntis na itinago ni Elisabet, kaya dapat si Elisabet ang masosorpresa sa pagdalaw ng pinsan niya. Pero baligtad ang mangyayari: si Maria ang masosorpresa; uunahan siya ni Elisabet. “Mapalad ka…at mapalad ang ibubunga ng sinapupunan mo.” Ibig sabihin alam rin ni Elisabet na nagdadalantao si Maria. Hindi niya ito nalaman sa pamamagitan ng anghel, kundi sa pamamagitan ng sanggol sa tiyan niya na “naglulundag” daw sa tuwa. Dahil napuspos ang nanay niya ng Espiritu Santo siguro naramdaman din niya ang presensya ng Mesiyas sa tiyan ni Maria.

Ang Magnificat ni Maria ay awit ng sangkatauhan at sa pangarap ng Diyos para sa sanlibutan. Isang rebolusyonaryong awit tungkol sa Diyos na patas at makatarungan. Kumbaga sa mga sinaunang tindero ng bigas na tinatakal sa salop, pinupuno ang salop, kinakalos ang labis dinadagdagan pag kulang. Pakinggan ang pagkakahawig nito sa Magnificat ni Anna na dapat sana ay kasunod ng ating first reading. Sa Unang Samuel 2:1-10, inawit ni Anna:

“Nagagalak ako sa Panginoon! Dahil sa kanyang ginawa, hindi na ako mapapahiya. Tinatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway. Nagagalak ako sa pagliligtas niya sa akin. Walang ibang banal maliban sa Panginoon . Wala siyang katulad. Walang Bato na kanlungan tulad ng ating Diyos. Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng Panginoong Diyos ang lahat ng bagay, at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao. Ibinabagsak niya ang mga makapangyarihan, ngunit pinalalakas ang mga mahihina. Ang mayayaman noon ay maghahanap-buhay ngayon para may makain. Ngunit ang mahihirap noon ay sagana na ngayon…Ang Panginoon ang nagpapadukha at nagpapayaman. Itinataas niya ang iba at ang iba naman ay kanyang ibinababa. Ibinabangon niya ang mga mahihirap sa kanilang kahirapan. Pinauupo niya sila kasama ng mga maharlika at pinararangalan… Walang sinumang magtatagumpay sa pamamagitan ng sarili niyang kalakasan… Dahil sa kanya, magiging makapangyarihan at laging magtatagumpay ang kanyang hinirang.”

Tulad ni Anna, walang ipinagmamalaki si Maria kundi ang Diyos, katulad ng binanggit natin sa simula na kay San Pablo naman nanggaling, “Ang sino mang magmamalaki ay walang dapat ipagmalaki kundi ang gawain ng Diyos.” Actually, conclusion na iyon ng awit ni San Pablo na parang Magnificat din ang dating: Bago ang linyang iyon, sa verses 27-28 ng 1 Cor 1, sinasabi niya;

“…pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mangmang upang hiyain ang marurunong. Pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mahihina upang hiyain ang malalakas. At pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga.” Ipinagmamalaki rin niya ang Diyos na pumili sa kanya sa kabila ng kanyang kaliitan at pagiging di-karapat-dapat. Ito ang punto. Walang may karapatang magmalaki dito sa mundo kundi ang mga maliliit na walang ipinagmamalaki kundi ang Diyos na nagpalaki sa kanila sa kabila ng kanilang kaliitan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 49,543 total views

 49,543 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 54,961 total views

 54,961 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 61,668 total views

 61,668 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 76,461 total views

 76,461 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 82,617 total views

 82,617 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 986 total views

 986 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 1,370 total views

 1,370 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 12,323 total views

 12,323 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 11,155 total views

 11,155 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 11,141 total views

 11,141 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 11,140 total views

 11,140 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 11,143 total views

 11,143 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 11,145 total views

 11,145 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 11,148 total views

 11,148 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 14,456 total views

 14,456 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 14,448 total views

 14,448 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 14,449 total views

 14,449 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 14,413 total views

 14,413 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 22,989 total views

 22,989 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 18,122 total views

 18,122 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top