Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagmimina, dahilan ng matinding pagbaha sa Palawan

SHARE THE TRUTH

 1,029 total views

Nababahala ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang planong muling ipagpatuloy ang pagmimina sa Ipilan, Brooke’s Point, Palawan dahil sa maaaring maging epekto hindi lamang sa mga tao kundi maging sa kalikasan.

Ito ay ang nickel ore extraction project ng Lebach Mining Corporation na una nang sinuspinde ni dating Environment and Natural Resources Secretary at yumaong si Gina Lopez.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission na sa pagpapatuloy ng pagmimina sa Brooke’s Point, muli na namang isasagawa ang pagbubungkal ng mga lupa sa kabundukan gayundin ang pagpuputol ng mga puno.

Sinabi ng Obispo, ito ang dahilan kung bakit ang Palawan ngayon ay madalas nang binabaha at lubos nang naaapektuhan ng iba’t ibang kalamidad, tulad na lamang ng nangyari noong manalasa ang Bagyong Odette.

“Ang kagubatan ay masasakripisyo na naman ng pagmimina. Marami na namang mga puno ang puputulin at bundok na papatagin at alam naman po natin ang epekto nito sa atin. Madalas na pong nakakaranas ng baha ang Palawan,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi rin ni Bishop Mesiona na maliban sa mga likas na yaman, apektado rin ng pagmimina ang mga katutubo na sapilitang pinapaalis sa kanilang mga lupaing ninuno para maisakatuparan ang proyekto.

“May mga katutubo na namang maisasantabi at madi-dislocate dahil marami sa kanila ang nakatira sa kabundukan,” ayon sa Obispo.

Nauna nang nagpasa ng petisyon sa DENR ang mga katutubong komunidad ng Ipilan laban sa Lebach kung saan nakasaad na wala itong anumang katibayan ng pagpapahintulot mula sa komunidad at lokal na barangay batay na rin sa nakasaad sa Philippine Mining Act.

Panawagan naman ni Bishop Mesiona sa mga kinauukulan na dapat munang isaalang-alang ng mga makapangyarihang kumpanya at ng pamahalaan ang magiging epekto ng mga binabalak na proyekto bago ito tuluyang ipatupad.

Nakasaad sa Laudato Si ni Pope Francis na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng komunidad upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,596 total views

 15,596 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,696 total views

 23,696 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,663 total views

 41,663 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,895 total views

 70,895 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,472 total views

 91,472 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,295 total views

 8,295 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,583 total views

 9,583 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,985 total views

 14,985 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,969 total views

 16,969 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top