11,869 total views
Tiniyak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang pinaigting na pakikipagtulungan sa mga Diocesan Migrants Ministry upang maisulong ang kapakanan ng mga Filipino Migrants, Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang pamilya.
Lumagda ang Diocese of Cubao Migrants Ministry sa Manila Economic Cultural Office o MECO matapos ang tatlong araw na mission immersion sa Kaoshiung Taiwan upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga OFW.
Ayon kay CBCP-ECMI Executive Secretary Father Roger Manalo, ang gawain ay upang personal na makita ng mga nangangasiwa ng Migrants Ministry ang kalagayan ng mga Pilipino sa Taiwan upang matugunan ang pastoral care sa mga OFW at kanilang pamilya.
“Ang activity na pong ito ay pilot activity, yung mga nasa Migrants Commission po sa different dioceses marami po sa kanila wala po talagang experience ng migration, may iba po na may asawa na seaman or seawoman pero most of them po ay walang experience nang may OFW po yung family, At dahil po diyan, nag-isip po ang commission at ang diocese na magkaroon po ng first hand experience po, originally po ang bawat coordinator ng diocese migrants, migrants ministry ng Diocese ng Cubao is to go to Hong Kong para makita po yung- sabi ko hindi masyadong madali sa Hong Kong kasi karamihan ng mga nagtatrabaho doon ay sa bahay, hirap silang makita kung hindi Sabado o Linggo lang,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Manalo.
Hinimok din ng Pari ang mga Pilipino na suportahan ang nasa ibayong dagat at pamilyang naiiwan nila sa Pilipinas.
Ito ay upang higit na mapatibay ang OFW Sector na malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagpapalakas ng remittance rate.
“Pero nakakalimutan po natin yung human cost po ng migration, ang nakikita lang natin- atsaka yung struggle din po ng mga migrants din po na halimbawa nasa Hong Kong o nasa Kaoshiung na they sacrifice so many things po para makapagpadala po ng pera at para makapag-paaral sa mga bata o makapaggawa ng bahay Dapat din po maging grateful din po ang mga family members sa mga sacrifices na ginagawa ng kanilang pamilya na nandarayuhan at sa ating lahat po na ipagdasal po natin ang ating mga OFWs,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Manalo.
Ayon sa Datos ng Department of Migrant Workers, noong 2024 ay umaabot na sa 2.47-million ang bilang ng mga OFW at Filipino Migrants sa ibayong dagat