Pagpapahid ng abo, tanda ng pagpapakumbaba -Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,115 total views

Pinaalalahanan ng arsobispo ng Maynila ang mananampalataya na ang pagpapahid ng abo ay paanyaya ng kapakumbabaan.

Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Jose Advincula sa ginanap na Banal na Misa sa Manila Cathedral nitong Ash Wednesday, February 22.

Ayon sa cardinal, dapat iwasan ng tao ang pagiging makasarili sa halip ay paigtingin ang pagkalinga sa kapwa lalo na sa maralita at mahihinang sektor ng lipunan.

“To have ashes on our head is symbolic of having the ground above us and so the ashes on our heads must humble our heads and bring our feet to ground, the ashes on our heads guard us against the delusions of self-righteousness, self-sufficiency, self-entitlement and self-grandiosity,” ayon kay Cardinal Advincula.

Binigyang diin ng arsobispo na ang panahon ng kuwaresma ay pagkakataong talikuran ang makamundong gawain at bigyang tuon ang pagpapalagong espiritwal.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan na ipakita ang tunay na diwa ng pagkalinga upang maramdaman ang pag-ibig ng Diyos sa kapwa.

“Let the ashes on our head remind us to pray with sincerity of heart, fast in genuine solidarity with the ones who are suffering, and give alms out of hearts that are truly contrite and compassionate,” ani ng cardinal.

Sa pagsimula ng 40-araw na paghahanda sa pagpakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus ay muling nagtungo sa mga simbahan ang mananampalataya upang makibahagi sa Miyerkules ng Abo.

Una nang ipinag-utos ni Cardinal Advincula sa Archdiocese of Manila ang muling pagbabalik sa nakagawaing pagpapahid ng abo sa noo ng mananampalataya makaraan ang tatlong taong pagpaliban bunsod ng COVID-19 pandemic.

Hinikayat ng opisyal ang mananampalataya na sa pagpahid ng abo sa noo ay maunawaan ang krus ni Hesus na sumasagisag ng tagumpay ng tawirin ang dilim ng kamatayan tungo sa landas ng katubusan ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 33,778 total views

 33,778 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 47,355 total views

 47,355 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 75,919 total views

 75,919 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 125,099 total views

 125,099 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 118,308 total views

 118,308 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top