Pagpapala ng Diyos sa mga bumubuo ng Caritas Manila, volunteers at benefactors, hiniling ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,949 total reads

Ibinahagi ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang kagalakan at pasasalamat sa pakikiisa sa ika-72 taong pagkakatatag ng Caritas Manila.

Inihayag ng Papal Nuncio na nararapat pasalamatan ang panginoon sa mabuting gawain at paglilingkod sa mga nangangailangan na naisakatuparan ng Caritas Manila sa nakalipas na pitong dekada.

“I’m very happy as your Apostolic Nuncio be here present for this wonderful celebration of the 72nd founding anniversary of Caritas Manila. We thank God for all the good work done over these 72 years,” pahayag ni Archbishop Brown sa panayam ng Radyo Veritas

Pinasasalamatan din ni Archbishop Brown ang mga volunteer na nagsakripisyo ng kanilang oras at talento upang maisakatuparan ang mga pro-poor program gayundin ang mga donor at benefactors na walang sawang sumusuporta sa misyon ng Caritas Manila

Ipinagdarasal din ng Papal Nuncio na pagpalain ng Panginoon ang lahat ng katuwang ng Caritas Manila at patuloy silang gabayan ni Mahal na Inang Maria sa kanilang paglilingkod para sa mahihirap.

“We thank God, in a very special way, for all the volunteers who participate in the work of Caritas. And, in a very special way, for the benefactors who support the work of Caritas. May God bless each and every one of you [and] may Our Lady; Mama Mary watch over you,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Archbishop Brown.

Ang ika-72 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Caritas Manila ay pinangunahan ni Archbishop Brown, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Caritas Manila executive director Father Anton CT Pascual, Radyo Veritas President Fr.Roy Bellen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 140,627 total reads

 140,627 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 173,955 total reads

 173,955 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 206,100 total reads

 206,100 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 272,163 total reads

 272,163 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 282,405 total reads

 282,405 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top