Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapalaganap ng evangelization, hamon ng mga opisyal ng simbahan sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 26,621 total views

Inaananayahan ni Radyo Veritas President Father Roy Bellen at Father Joel Rescober – Rector at Parish Priest ng Archdiocesan Shrine of Our Lady of Miraculous Medal- Saint Vincent de Paul Parish na higit na palaganapin ang pananampalataya habang isinasabuhay ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Ito ang mensahe ng mga Pari ng Archdiocese of Manila para sa 11th Philippine Conference on New Evangelization na idinaos simula July 18 hanggang 20 sa University of Santo Thomas Quadri Centennial Pavillion.

Ayon kay Fr.Bellen, sa parehong pagdalo ng pisikal o panunuod sa mga online streaming platforms ng mga gawain sa PCNE 11 ay higit na malalalaman at maisasapuso ng mga mananampalataya ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng pananampalataya higit na ngayong patuloy na nagbabago ang teknolohiya at panahon.

“Ang lahat ng ating ginagawa ay para po sa pagtupad sa misyon ng pagpapahayag ng mabuting balita, minsan nakakapagod na, sa dami ng iniisip at ganap sa paligid pero we are reminded what really matters, what truely matters ang ipahayag ang mabuting balita atleast we are able to re- orient our directions, at ano yung ating halaga ng lahit ng ating mga efforts sa araw-araw, muli po ang lahat po ay inaanyayahan na makadalo po kahit po online, inyong pakinggan Panoorin po ang mga kaganapan dito sa PCNE 2025,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Bellen.

Habang isinulong naman ni Fr.Rescober na magkasabay na gamitin ang pagtulong sa kapwa at pagpapalaganap ng Ebanghelisasyon.

Ito ay dahil aktibo ang simbahan pagtulong sa mga mahihirap, pagtugon sa pangangailangan ng mga nasasalanta ng bagyo at pagpapakain sa mga mahihirap.

Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na malaman na mabilis ang pagtugon at pagtulong simbahan sa mga nangangailangan at higit na napapalaganap ng simbahan ang pananampalataya dahil naibabahagi sa mas maraming Pilipino ang mabuting salita ng Panginoon.

“Maraming pamamaraan upang matulungan ang mga kapatid nating kapos, sa pag-healing sa kanila, pagsulong ng ilang mga dapat na karapatan na dapat ay ating iginagalang at yun nga ibinibigay sakanila, isa yun sa mga adbokasiya para sa kanila, magandang pamamaraan kasi that’s also a way for new Evangelization, hindi lang yung we give them something but then again pagbibigay ng dignidad, pagbibigay ng halaga sa pamamagitan ng pagsulong ng kanilang mga karapatan katulad ng mga ordinaryo at ibang mananapalataya,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Rescober.

Ngayong taon, sa pangangasiwa ng Archdiocese of Manila Office for the Promotion of New Evangelization sa PCNE 11 ay ipinagdiriwang ito sa temang “Padayon: Synodal Witnessing of the Faith”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 4,232 total views

 4,232 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 96,664 total views

 96,664 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 114,998 total views

 114,998 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 132,747 total views

 132,747 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 208,054 total views

 208,054 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top