Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapalaya kay Misuari, hakbang para sa kaunlaran sa Mindanao-arsobispo

SHARE THE TRUTH

 240 total views

Magpapa-unlad sa Mindanao ang pagpapatuloy na prosesong pangkapayapaan.

Ito ang naging pahayag ni CBCP – Episcopal Commission on Mutual Relations chairman at Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, sa hakbangin ng pamahalaan na pansamantalang pagpapalaya kay MNLF o Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari.

Positibo ang nakikita ni Archbishop Ledesma lalo’t nakikiisa sa Misuari sa usaping pangkayapaan na ninanais ng Duterte administration na magpapanumbalik ng tiwala ng mga mamumuhunan sa bansa na magtayo ng negosyo sa Mindanao.

“Ito ang istratehiya ngayon ng gobyerno ngayon to open “peace able” sa lahat ng stakeholders, including yung mga leaders ng mga rebels din. Sumasang – ayon ako dun na ipagpatuloy yung proseso sa ‘kalinaw’ sa kapayapaan. Because we can really give way to greater peace and development para sa buong isla ng Mindanao. In that sense, it’s coincidence living in the part of government na mabigyan ng kalayaan muna yung mga stakeholders and stake persons ng mga rebel group,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Veritas Patrol.

Paunti – unti rin aniyang makatutulong sa kaunlaran sa Mindanao ang paglinang ng kakayahan at determinasyon ng mga mamamayan roon sa pagbuo ng kanilang mapagkakakitaan lalo na sa mga pinakamahihirap na probinsya at maiiwas na rin sila sa pagsali sa mga rebeldeng grupo.

“I think to help also sa human development lalo na yung management skills, and also social enterprises, makapasok rin sa underdeveloped areas para sa buong isla ng Mindanao at ng Pilipinas na bibigyan natin ng sapat na resources lalo na sa mga underdeveloped areas ng Mindanao,” giit pa ni Archbishop Ledesma sa Radyo Veritas.

Nabatid sa inulat ng Philippine Statistics Authority na lima sa sampung pinaka-mahihirap na lalawigan sa bansa ay matatagpuan sa Mindanao tulad ng Lanao De Sur, Maguindanao, Zamboanga Del Norte, Sarangani at North Cotabato kung saan matindi ang kaguluhan at tensyon ng mga rebeldeng Moro.

Sa panig naman ng Simbahang Katolika patuloy nitong isinusulong ang pakikipag – dayalogo bilang susi sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa lalo sa Mindanao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 3,653 total views

 3,653 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 11,753 total views

 11,753 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 29,720 total views

 29,720 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 59,134 total views

 59,134 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 79,711 total views

 79,711 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 91,583 total views

 91,583 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 87,538 total views

 87,538 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 34,107 total views

 34,107 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 34,118 total views

 34,118 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 34,122 total views

 34,122 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top