Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsuspinde sa prelebihiyo ng mga bilanggo, tinutulan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 254 total views

Binigyang diin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care na hindi solusyon ang pagsuspinde o pagpapatigil sa mga pribilehiyo ng mga bilanggo sa patuloy na pagpasok ng droga sa mga bilangguan.

Pinayuhan ni Bro. Rudy Diamante – Executive Secretary ng komisyon si BuCor Director Nicanor Faeldon na gamitin ang kanilang intelligence fund upang masawata ang iligal na gawain sa mga bilangguan.

Iginiit ni Diamante na dapat bigyang konsiderasyon ng BuCor ang kapamilya ng mga bilanggo na dumadalaw sa mga bilangguan na nagmula pa sa mga malalayong lugar .

“Hindi talaga solusyon yung pag-suspend ng privileges nung mga dalaw because it’s not going to solve anything, what is important is for Faeldon (BuCor Director General Nicanor Faeldon) to use yung kanyang intelligence fund to identify kung saan nanggagaling yung contraband, alleged contraband na pumapasok because if you suspend the privileges of the prisoners kawawa yung mga pamilya na dumadalaw especially very abrupt yung pag-suspend niya kasi there was not even a warning immediately sinuspend niya lahat…” pahayag ni Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Diamante na mahalaga ang dalaw para sa mga bilanggo na malaking tulong sa kanilang pagbabago at pagbabalik loob.

Naniniwala si Diamante na hindi matutukoy sa naturang pamamaraan ang tunay na dahilan o pinagmumulan ng mga kontrabandong nakakapasok sa mga bilangguan.

“Mahalaga yung dalaw sa mga inmates, pati yung pagpasok ng mga volunteers yung services practically isolating the entire colony from visitors and from their families which with not solve, what is unfortunate about it is it will not identify kung sino ang nagpapasok ng contraband, so mahalaga meron silang ibang pwedeng pamamaraan na yun nga gamitin nila yung intelligence fund na ang laki-laki…” Dagdag pa ni Diamante.

Kasunod ng kautusan ni BuCor Director Faeldon na suspendihin ang visiting privileges at recreational activities ng mga bilanggo sa pitong penal colonies sa buong bansa ay nilinaw naman ng Department of Justice (DOJ) na pansamantala lamang ang hakbang upang mabigyan ng panahon ang BuCor na makapagsagawa ng naaangkop na solusyon sa problema.

Batay sa tala, mahigit sa 45,000 ang bilang ng mga bilanggo sa pitong penal colonies sa bansa kung saan kinansela ang visiting privileges at recreational activities na kinabibilangan ng New Bilibid Prison, Correctional Institution for Women, Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro at Leyte Regional Prison.

Naunang umapela si Diocese of Legazpi, Albay Bishop Joel Baylon – Chairman ng komisyon sa Bureau of Corrections na humanap ng ibang paraan na masolusyunan ang problema ng smuggling ng mga kontrabando sa mga bilangguan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 7,826 total views

 7,826 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 15,926 total views

 15,926 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 33,893 total views

 33,893 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,232 total views

 63,232 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 83,809 total views

 83,809 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 482 total views

 482 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,652 total views

 11,652 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top