Pagsusulong ng death penalty, pagtatatwa kay Kristo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 704 total reads

Ang mahihirap lamang ang apektado ng death penalty sakaling ito ay maipatupad.

Ayon kay Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, hindi na rin napapanahon na buhayin pa ang parusang bitay lalo na at marami na ring bansa ang bumitaw dito dahil sa paniniwalang kailangan ng tao, kriminal man o hindi na makapagbagong buhay.

“So dapat patawarin natin ipagdasal natin ang mga kaaway natin so iba na ang katuruan ni Hesus tandaan natin si Hesus ay naging biktima ng death penalty, naging biktima siya at ang humatol sa kanya ay gobyerno. Yan ang tinitingnan natin ganun din ang death penalty na yan kawawa ang mga mahihirap na walang mga lawyer na magtatanggol sa kanila pero kapag mayaman ka may mga lawyer ka sa simula pa lang di ka na makukulong. Kaya ang ayusin natin sa halip na death penalty ayusin natin ang judiciary system na dapat maging pantay pantay,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ng obispo, ang nagsusulong ng death penalty ay pagtatatwa kay Hesukristo at sa pagiging Kristiyano.

“Alam niyo po itong nagbubuhay ng death penalty wala na sa panahon anachronistic na kase sa buong mundo ngayon ang pagsisigaw ay tanggalin ang death penalty. Kung babalik tayo doon ay parang babalik tayo sa panahon na naiwan na natin kase advance na tayo diyan. alam niyo po ang Bibliya ay binabasa natin bilang mga Kristiyano hindi bilang mga Hudyo kaya ang sentro ng Bibliya para sa ating mga Kristiyano ay si HesuKristo.”

Ayon pa sa obispo, hindi lahat ng nakalagay sa Banal na Kasulatan ay ginagawa pa rin ngayon gaya ng pag-aalay ng baka at ng tupa dahil ang ginagawa ngayon ay ang mga aral o katuruan ni Hesuskristo.

“Kaya hindi lahat ng nakalagay sa bible verse na nakalagay sa bible ay ginagawa natin. Hindi na tayo nag-aalay ng mga baka, ng mga tupa na nakalagay sa bible kase ang ating pamantayan ngayon ay pag-aalay na ni Hesus ganun din ang katuruan ni Hesus. Yung sinasabi sa Bible na eye for eye, tooth for tooth, shed of blood your blood will be shed sinabi ni Hesus na hindi na yan,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Sa tala, Amnesty International, 140 na mga bansa na ang nagtanggal ng parusang kamatayan samantalang taong 2006 nang lagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbuwag sa Death Penalty sa bansa at pinababa sa habang buhay na pagkakulong ang ipinataw sa may higit isang libong preso na may parusang kamatayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 66,115 total reads

 66,115 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 152,613 total reads

 152,613 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 195,648 total reads

 195,648 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 245,408 total reads

 245,408 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 403,413 total reads

 403,413 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 331,177 total reads

 331,177 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 437,262 total reads

 437,262 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top