Pagtigil ng Didipio copper gold mining, panawagan ng katutubong kababaihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,083 total reads

Patuloy na nananawagan sa pamahalaan ang grupo ng kababaihan para sa pagsusulong ng pantay na karapatan at pangangalaga sa kalikasan.

Ito ang hiling ni Bileg Dagiti Babbae chairperson Myrna Duyan, kaugnay sa paggunita sa buwan ng kababaihan ngayong Marso at panawagan upang ihinto ang operasyon ng OceanaGold Philippines, Inc. (OGPI) sa Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Duyan, matagal nang naghihirap ang pamayanan dahil sa epekto ng pagmimina tulad ng kakulangan at polusyon sa tubig na pangunahing pangangailangan sa agrikultura at pang-araw-araw na pamumuhay.

“Sana may pag-aaral o mabalikan ‘yung mga batas at policies ng mga mining company lalo na po dito sa lokal. Kasi hindi lang mga tao ang naaapektuhan kun’di pati kalikasan at natural resources na may mabuting benepisyo sa mamamayan,” pahayag ni Duyan sa panayam ng Radio Veritas.

Ang Bileg Dagiti Babbae o Power of Women ay samahan ng mga katutubong babaeng Tuwali na matagal nang naninindigan laban sa mapaminsalang Didipio copper-gold mining.

Iginiit ng pinuno ng katutubong kababaihan na hindi binibigyang pansin ng pamahalaan partikular na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang bawat hinaing ng lokal na pamahalaan ng Kasibu, maging ang pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya laban sa pagmimina.

Hinimok ni Duyan na pakinggan nawa ng mga kinauukulan ang boses ng taumbayan laban sa mapaminsalang pag-unlad dahil ang mga apektadong residente ang higit na nakakaranas ng pangamba mula sa proyekto.

“Sana ‘yung unang-unang tutulong at magbibigay ng malasakit sa atin ay ‘yung gobyerno. Ang nangyayari kasi, wala nang nagiging desisyon at hindi pinapakinggan ang lokal na pamahalaan. Ang gobyerno na mismo ang nagdedesisyon at hindi na kami nakokonsulta para masabi ang saloobin namin tungkol sa pagmimina,” ayon kay Duyan.

Taong 2021 nang muling gawaran ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng panibagong Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) ang OceanaGold at pinahintulutang ipagpatuloy ang operasyon sa loob ng 25 taon.

Nauna nang nagpahayag ng suporta si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao laban sa pagmimina sa Nueva Vizcaya at nanawagang pakinggan ang isinusulong ng simbahan, lokal na pamahalaan, at mamamayan hinggil sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 40,378 total reads

 40,378 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 62,577 total reads

 62,577 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 99,076 total reads

 99,076 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 319,703 total reads

 319,703 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 352,033 total reads

 352,033 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 99,046 total reads

 99,046 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top