Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakikibahagi ng Simbahan sa mga usaping panlipunan, naglalayong gabayan ang mga mamayan ayon sa Obispo

SHARE THE TRUTH

 524 total views

Nagsasalita ang Simbahan kaugnay ng mga usaping panlipunan upang gabayan ang mga tao.

Ito ang binigyang diin ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa usapin ng Separation of Church and State kasunod ng akusasyon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pakikialam ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang impluwensyahan ang Korte Suprema kaugnay sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Act (ATA) of 2020.

Paliwanag ng Obispo, ang pagsasalita at pakikibahagi ng Simbahan sa mga usaping panlipunan ay naglalayong gabayan ang mga mamamayan upang makita ang mga pangyayari sa maka-Kristyanong pananaw. “nakikita natin na kailangan gabayan yung mga tao, kaya yan nagsasalita ang Simbahan para gabayan yung mga tao na tingnan ang mga nangyayari in a perspective that is Christian…” Ang bahagi ng pahayag ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa naganap na SONA Mass for Peace and Justice Online Press Conference.

Giit ni Bishop Pabillo, matagal ng nagsasalita at nakikibahagi ang Simbahan sa mga mahahalagang usaping panlipunan subalit maaring ngayon lamang nakita at napuna ng pamahalaan dahil sa mas naging madalas ito dulot na rin ang mas malalaking suliraning panlipunan na kinahaharap ng bansa.

Pagbabahagi ng Obispo, hindi maaring manahimik na lamang ang Simbahan sa mga hindi naaangkop na pagtugon ng pamahalaan sa mga tunay na suliranin at pangangailangan ng bayan tulad na lamang sa usapin ng kalusugan, trabaho at iba pang epekto ng COVID-19 pandemic sa bansa.

“Nagsasalita na ang Simbahan, ngayon siguro nakita lang nila ngayon ay mas madalas dahil sa mas malaki ang problema natin, problema nga natin yung sinabi ng mga lider ng mga grupo yung kapalpakan sa pagtugon ng pangangailangan ng bayan, yung health issues, yung trabaho, tapos yung mga ginagawa ng pamahalaan na hindi naman nakakatugon sa problema ng tao ngayon…” Dagdag pa ni Bishop Broderick Pabillo.

Ang akusasyon ni Chief presidential legal counsel Salvador Panelo ay kasunod ng paglalabas ng liham pastoral ng CBCP na nananawagan ng pananalangin at pagiging mapagmatyag ng publiko matapos na maging epektibo ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Law of 2020 sa kabila ng kawalan ng Implementing Rules and Regulations sa nasabing batas.

Ika-18 ng Hulyo ng maging epektibo ang kontrobersyal na Anti-Terror Law labinglimang araw mula ng lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas noong ika-3 ng Hulyo kung saan sa kasalukuyan ay hindi bababa sa siyam na petisyon ang inihain ng iba’t-ibang grupo at indibidwal sa Korte Suprema upang kwestyunin ang legalidad ng panibagong batas na naglalayong amyendahan ang nauna ng Anti-Terror Law ng bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 45,263 total views

 45,263 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 64,948 total views

 64,948 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 102,891 total views

 102,891 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 120,870 total views

 120,870 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

Senado, kinundena ng BIEN

 7,769 total views

 7,769 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 35,694 total views

 35,694 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
1234567