Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakikinig at pagkilos para sa kalikasan, hamon ni Cardinal Advincula sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

 12,229 total views

Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na Misa sa pagbubukas ng ika-11 taong pagdiriwang ng Season of Creation sa Archdiocese of Manila.

Ginanap ito sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City noong August 31, 2024, isang araw bago ipagdiwang ang World Day of Prayer for the Care of Creation, at ang pagsisimula ng Season of Creation.

Sa pagninilay, binigyang-diin ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pag-asa, pakikinig, at pagkilos para sa sangnilikha.

Ayon sa kardinal, ang pag-asa ang kabutihang-asal na ipinagkaloob ng Diyos sa tao na nagbibigay-daan upang maghangad ng higit pang mabubuting bagay lalong lalo na sa pangangalaga sa kalikasan.

Sinabi ni Cardinal Advincula na ito ang katangiang patuloy na ipinamamalas ng mga tagapagtanggol ng kalikasan sapagkat patuloy silang umaasa para sa ikabubuti ng daigdig, ang nag-iisang tahanan.

“Those who care for the environment and advocate the protection of God’s creation are hopeful people because they desire what is best for the world, for humanity, and for the whole of God’s creation. These people also give us hope because they assure us that there is hope for the world,” ayon kay Cardinal Advincula.

Hinimok naman ng arsobispo ang pakikinig sa hinaing ng nagdurusang daigdig dahil sa mga tinamong pinsala mula sa pagmamalabis ng mga tao.

Iginiit ni Cardinal Advincula na hindi tuluyang magagampanan ng sangkatauhan ang tungkulin bilang katiwala ng sangnilikha kung hindi sisikaping pakinggan at unawain ang pagtangis ng mundo at mga biktima ng iba’t ibang kalamidad.

“Kung hindi tayo makikinig, hindi tayo makatutugon. Kung hindi tayo makikinig, baka maging mali ang ating pagtugon. Let us listen to their cries and we will be able to respond properly, appropriately, and in a timely manner,” saad ni ng kardinal.

Sa huli’y inanyayahan ng kardinal ang lahat na kumilos at gampanan ang tungkuling iniatas ng Diyos sa bawat isa bilang mabubuting katiwala ng sangnilikha.

Aniya, maraming tao ang umaasa at nakikinig para sa ikabubuti ng mundo, ngunit nagkululang naman sa paggawa.

Inihayag ni Cardinal Advincula na sa simpleng pagsasabuhay ng kalinisan sa sarili at kapaligiran ay malaki nang bagay upang maipakita ang hangaring pangalagaan ang sangnilikha ng Diyos.
“This is one concrete action that we can easily do. Panatilihing malinis ang kapaligiran. Huwag magtatapon ng basura kung saan-saan. Mag-segregate at mag-recycle by ensuring that cleanliness of our surroundings and of our lives we contribute to the care of God’s creation,” giit ni Cardinal Advincula.

Taong 2013 nang ilunsad nang noo’y Arsobispo ng Maynila, at kasalukuyang Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization Luis Antonio Cardinal Tagle ang Archdiocesan celebration ng Season of Creation, na layong hikayatin ang higit pang mga katoliko na palalimin at palawakin ang kamalayan sa mga tungkulin bilang mga katiwala ng inang kalikasan.

Tema ng Season of Creation ngayong taon ang “To Hope and Act with Creation” habang simbolo naman ang “The Firstfruits of Hope” na hango mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma.

Ipagdiriwang sa Pilipinas ang Panahon ng Paglikha mula September 1, kasabay ng World Day of Prayer for the Care of Creation, at magtatapos sa October 13, kasabay naman ng National Indigenous Peoples’ Sunday.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 13,830 total views

 13,830 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 21,930 total views

 21,930 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 39,897 total views

 39,897 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,158 total views

 69,158 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,735 total views

 89,735 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,185 total views

 8,185 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,473 total views

 9,473 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,875 total views

 14,875 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,859 total views

 16,859 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top