Pakinggan ang mensahe ng kalikasan, pakiusap ng Arsobispo sa taumbayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,588 total views

Huwag isantabi ang magkaugnay na tungkulin ng tao sa pangangalaga ng sarili at kalikasan.

Ito ang panawagan ni Jaro, Iloilo Archbishop Jose Romeo Lazo sa mga pagsubok na kinakaharap ng inang kalikasan bunsod ng patuloy na pagbabago ng klima ng daigdig.

Ayon kay Archbishop Lazo, ang lahat ng likas na yaman tulad ng mga puno, ilog, kabundukan, at karagatan ay may kaugnayan sa buhay ng tao dahil sa iniatas na tungkuling maging tagapangalaga at katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

“As we journey in harmony as a human family, we cannot disregard our common mission—to live sustainable lives for ourselves and for the sake of the future generations,” pagbabahagi ni Archbishop Lazo sa Radio Veritas.

Hinimok din ng Arsobispo ang bawat isa na pakinggan ang tinig ng nagdadalamhating kalikasan kabilang na ang mga katutubong direktang apektado ng pang-aabuso ng mga tao.

“Let us listen to the message of our Mother Earth, who longs also for healing from human greed and self-destructive behavior,” ayon sa Arsobispo.

Ibinahagi rin ng Arsobispo ang pakikiisa ng simbahan sa Earth Hour noong Marso 25 at kanyang iginiit na hindi lamang ito inisyatibo upang makatipid sa kuryente, kun’di panawagang baguhin ang mga nakasanayan at isabuhay ang mga turo mula sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco.

“It’s a collective voice given to the call to renew our commitment to a change of lifestyle that is compatible to our Christian set of values,” saad ni Archbishop Lazo.

Nanatili ang pagiging aktibo ng Simbahang Katolika sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang isulong ang pangangalaga at pagpapanatili sa nag-iisang tahanan.

Kabilang na rito ang 2022 Pastoral Statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na “A Call for Unity and Action amid a Climate Emergency and Planetary Crisis”, na layong bigyang kamalayan ang mamamayan sa labis na epekto ng pagkapinsala ng kapaligiran.

Panawagan din ito upang isulong ang pagsasantabi sa pamumuhunan sa mga industriya tulad ng pagmimina at coal-fired power plants na pinsala ang dulot sa buhay ng tao at kalikasan.

Pinakililos din ng Simbahan ang mamamayan na sama-samang tugunan ang lumalalang epekto ng pagbabago ng klima na nagdudulot ng polusyon at matinding init na nararanasan sa kasalukuyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,191 total views

 46,191 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,060 total views

 42,060 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,262 total views

 78,262 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,997 total views

 86,997 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,409 total views

 112,409 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top