Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamahalaan, hinimok na gawing organisado at maayos ang pagtugon sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

 330 total views

August 3, 2020, 9:14AM

Mahalaga na maging organisado at maayos ang pamamaraan ng pamahalaan sa pagtugon sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni Bro. Armin Luistro, FSC – President, De La Salle Philippines kaugnay sa patuloy na banta ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Ayon kay Luistro, bagamat hindi maaaring i-asa ang lahat sa pamahalaan ay napakahalaga naman na maging organisado ang mga hakbang ng pamahalaan lalu ang pagtiyak na napupunta sa mga apektadong mamamayan ang pondong nakalaan.

“Hindi natin maaring iasa lahat sa gobyerno pero napakalaki ng maibibigay ng gobyerno kung maayos, organisado at saka hindi nawawala yung pera na iaambag, ayuda para sa ating mga kababayan…”pahayag ni Luistro sa panayam sa Radyo Veritas.

Tiniyak ni Luistro na bukas at handa ang Simbahan maging ang mga pribadong sektor upang makatulong at makatuwang ng pamahalaan para matugunan ang krisis na dulot ng COVID-19 sa bansa.

“Konting organisasyon lang naman yan, at kung kailangan ng tulong ng gobyerno humingi sa Simbahan, sa pribadong mga sektor maraming gustong tumulong.” Dagdag pa ni Luistro

Nilinaw naman ni Luistro na may maibabahagi ang bawat isa upang makatulong sa gitna ng krisis na dulot ng pandemya kabilang na ang pagbabahagi ng pagkain at maging ng panahon para sa mga lubos na apektado ng krisis, gayundin ang pagkakaloob ng mapagkikitaan sa mga nawalan ng hanapbuhay.

Iginiit din ni Luistro ang pagbibigay suporta at halaga sa mga frontliners at ang mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na patakaran at safety health protocol upang maiwasan na ang pagkalat ng COVID-19.

“Kung meron tayong maibibigay at maibabahagi na pagkain para sa iba, panahon na ito para magbahagi ng kaunti galing sa ating mesa, pangalawa kung makakapagbigay tayo ng kahit konting trabaho at pangatlo yung ating kalusugan sana suportahan natin lahat ang mga frontliners at saka tayo mismo ay sumunod doon sa mga patakaran na hindi magpapalala dito sa ating sitwasyon sa COVID-19…”panawagan ni Luistro.

Sa pinakahuling ulat, umabot na sa mahigit 100,000 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Noong Hunyo, lumabas sa datos ng Philippine Statistics Authority na umaabot na sa 7.3-milyong Filipino ang walang trabaho o unemployed na naitala noong Abril.

Nangangahulugan ito ng karagdagang 5-milyong indibidwal na walang trabaho.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 13,868 total views

 13,868 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 21,968 total views

 21,968 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 39,935 total views

 39,935 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,196 total views

 69,196 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,773 total views

 89,773 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 189 total views

 189 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,009 total views

 1,009 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,486 total views

 6,486 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top