Pamahalaan, pinag-iingat ng PMPI sa bagong pamumuhunan ng CANADA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,095 total reads

Nanawagan ang Philippine Misereor Partnership Inc. (PMPI) sa pamahalaan na tiyaking ang mga bagong pamumuhunan sa bansa, kabilang ang mga mula sa Canada, ay magsisilbi hindi lamang sa paglago ng ekonomiya kundi maging sa pangangalaga sa kalikasan, karapatang pantao, at kapakanan ng mga komunidad.

Ito ang binigyang-diin ng PMPI kasunod ng pahayag ng pamahalaan na bukas ang Pilipinas sa mas maraming negosyo at investment partnerships, kabilang ang pagmimina at mineral processing na itinuturing na may malaking potensyal sa paglago ng ekonomiya.

Ayon kay PMPI National Coordinator Yolanda Esguerra, may pananagutan ang pamahalaan na tiyaking ang mga kasunduang pang-ekonomiya ay hindi magdudulot ng pagkasira ng kalikasan at paglabag sa karapatan ng mga katutubo at lokal na komunidad kapalit ng panandaliang pakinabang.

“An architect who refuses to listen to the people who will use the building is bound to design one that eventually fails. Governance is no different. Foreign policy cannot be built around the preferences of a powerful few while those who bear the environmental and social costs are treated as afterthoughts,” pahayag ni Esguerra.

Binigyang-diin din ng organisasyon na napatunayan na sa mga nakalipas na malawakang proyekto ng pagmimina ang pagkakahati ng mga komunidad, pagkasira ng kalikasan, at paglabag sa karapatan ng mga katutubo at environmental defenders.

Iginiit din ng PMPI na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa dami ng mga pamumuhunan o kasunduang nalalagdaan, kundi sa pangangalaga sa kalikasan, paggalang sa karapatan ng mga pamayanan, at kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

Ayon kay Esguerra, dapat lamang tanggapin ng Pilipinas ang mga pamumuhunang lumilikha ng disenteng trabaho at tunay na nakatutulong sa pambansang kaunlaran nang hindi isinasakripisyo ang tao at kalikasan.

“As we pursue partnerships and investments, we must also ensure that they strengthen, rather than diminish, the ecosystems and communities upon which our nation’s future depends,” dagdag ni Esguerra.

Sa pananaw ng Simbahan, ang pag-unlad ay hindi dapat isulong sa kapinsalaan ng tao at kalikasan, kundi maging daan upang higit na mapangalagaan ang buhay, dignidad, at ang nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 73,618 total reads

 73,618 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 213,428 total reads

 213,428 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 329,204 total reads

 329,204 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 446,999 total reads

 446,999 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 242,273 total reads

 242,273 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top