Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 16,982 total views

Homiliya para sa Unang Linggo ng Adbiyento, 03 Disyembre 2023, Mk 13:33-37

Ang Adbiyento ay hindi pa Pasko. Ito ay panahon ng penitensya at pag-aayuno. Kung ang Kuwaresma ay paghahanda para sa Pagsasaya ng Pagkabuhay, ang Adbiyento ay Paghahanda naman para sa Pagsasaya ng Kapaskuhan.

Ang ating unang pagbasa ngayon galing kay propeta Isaias ay isang makabagbag-damdaming Panaghoy (lament sa Ingles). Puwede mong ilagay sa bibig ng mga Israeli sa kasalukuyang panahon at magiging aktwal ang dating nito. At pero pwede mo ring ilagay sa bibig ng mga Palestinians at mas lalong matindi ang dating nito. Sinong mamamayan ng Israel ang hindi tumangis at nanaghoy sa sinapit ng mahigit isanlibong mga kaanak at kababayan nila na walang awang pinaslang ng mga sundalong Hamas at hinostage pa ang mahigit sa 200? At sinong Palestinong mamamayan na taga-Gaza ang hindi tumatangis at nananaghoy sa patuloy na sinasapit ng daan-daan-libong mga kababayan nila na matagal nang nagdurusa at ngayo’y humaharap na naman sa giyerang paghihiganti ng gubyernong Likud ng Israel laban sa gubyernong Hamas ng Palestine, na kapwa ibinoto ng kani-kanilang mga mamamayan para mamuno sa kanila?

Sabi ng panaghoy ng propeta, “Bakit mo hinahayaan Panginoon, na kami’y mapariwara nang ganito at malihis sa landas mo? Bakit mo hinayahaan na manigas ang aming mga puso at tuluyang mawalan ng takot sa iyo? Pagmasdan mo po kami Panginoon, parang awa na po ninyo, kahit masama ang loob mo sa amin, kahit bunga ng aming sariling pagkakasala ang nangyayari sa amin. Kami’y mga bayang nadungisan, anumang kabutihang mayroon kami ay naputikan. Kami’y mistulang mga dahon na nalanta, tinatangay ng hagibis ng aming mga pagkakasala. Wala nang tumatawag sa Ngalan mo, wala nang gumigising para kumapit sa iyo. Hindi na namin makita ang Mukha mo, bakit hinayaan mo kaming mapalayo sa iyo?”

Salamat na lang at hindi dito natatapos ang panaghoy na ito. Sa bandang dulo may kaunting pag-asang sumisikat na parang liwanag ng bukang-liwayway. Sabi ng propeta, “Ngunit ikaw, Panginoon ay ang Aming Ama; kami ay putik na luwad sa kamay mo. Ikaw ang magpapalayok na sa amin ay humuhubog.”

Mula pa noong unang panahon, hindi na natigil ang paulit-ulit na pag-ikot ng gulong ng sibilisasyon ng tao: ang mga inapi ay gumaganti sa mga sa kanila’y nang-api, mata sa mata, ngipin sa ngipin, dugo sa dugo, buhay sa buhay. Ang binusabos ay natututong mambusabos, ang pinagmalupitan ay natututong magmalupit, paulit-ulit na gantihan. Pabalik-balik na tikisan at ubusan ng lahi. Ang sinapit sa nakaraan gustong ipalasap sa mga anak ng kalaban. Walang katapusan, walang kinabukasan.

Ganito ba talaga tayo? Hindi. Mayroon nang dumating noon pa, para hamunin ang ganitong kabaliwan ng taong nawalan na nagwawala. Ang dalawang libong taon ay parang kahapon lang, nang nagdalang-liwanag ang isang “Palestinong Hudyo” na lumaki sa Nazareth.

Sabi nga ni Isaias tungkol sa kanya (42:2-4): “Hindi siya sisigaw o hihiyaw sa mga lansangan. Hindi niya babaliin ang tambong basag, hindi niya papatayin ang kandilang aandap-andap…Hindi niya pababayaan ang mga nanghihina o nawawalan ng pag-asa hanggaʼt hindi niya lubusang napapairal ang katarungan sa buong mundo. Pati ang mga tao sa malalayong lugar ay maghihintay sa kanyang mga turo.”

Siya ang nangarap upang ang tayo’y mahimasmasan sa ating kahibangan, upang ang mga binabangungot ay magising at matutong tumingin sa bawat kapwa bilang kapwa-biktima, kahati sa paghihirap, karamay sa pagdurusa. Hindi niya sinuklian ng sampal ang sampal, ng insulto ang insulto. Hindi gawaing makatao kahit kailan ang suklian ng karahasan ang karahasan, ang balikan ng kalupitan ang kalupitan. Ang nawawalan na nagwawala ay niyakap niya upang mapahinto ang paikot-ikot na gulong ng galit at hinanakit. Ito ang niloob niyang mapako sa krus at kailangan nating pagmasdan para manumbalik sa atin ang dangal, ang hugis at wangis ng Mahal-Banal, upang ang pagkatao natin ay muling magningning kuminang.

Ito ang pag-asa na sinisimbolo ng mga kandilang sinisindihan natin sa panahon ng Adbiyento. Na pwede nating piliin na magsindi ng kaunting liwanag sa gitna ng kadiliman. Ang apoy na ating tinanggap ay kailangang bantayan at ingatan. Ito ang narinig nating panalangin kanina sa ALELUYA: “Hayaan mo po Panginoon na ang pag-ibig mo ay masulyap namin, upang ang kaligtasan nami’y dumating at ang paghahari mo, sa wakas, ay sumaaming piling.

AMEN

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,469 total views

 6,469 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 14,569 total views

 14,569 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,536 total views

 32,536 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,895 total views

 61,895 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,472 total views

 82,472 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 6,720 total views

 6,720 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 9,078 total views

 9,078 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 21,052 total views

 21,052 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAIN NA

 9,939 total views

 9,939 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

FULFILL YOUR MINISTRY

 9,049 total views

 9,049 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAPANATAGAN NG LOOB

 16,608 total views

 16,608 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 4,783 total views

 4,783 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 4,785 total views

 4,785 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 4,952 total views

 4,952 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 5,498 total views

 5,498 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 6,143 total views

 6,143 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 13,328 total views

 13,328 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 8,036 total views

 8,036 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 11,789 total views

 11,789 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top