Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulo ng Radio Veritas, nagpaabot ng pagbati sa mga haligi ng tahanan

SHARE THE TRUTH

 5,089 total views

Ipinarating ni Father Anton CT Pascual, Pangulo ng Radio Veritas ang pagbati sa mga Ama sa paggunita ng Father’s Day at kanilang mahalagang tungkulin sa pagtataguyod ng kani-kanilang pamilya.

Ayon sa Pari, ito ay dahil sa pagpapatuloy ng sakripisyo ng mga ama para sa kanilang pamilya upang maitaguyod ang pamumuhay na masagana at nakaayon sa plano ng Diyos.

“Proverbs 23,24 The father of Godly children has cause for joy. What a pleasure to have children who are wise, the greatest tribute a boy can give to his father is to say, when I grow up I want to be just like my dad- Billy Graham’,” ayon sa mensahe na ipinadala ni Fr.Pascual sa Radio Veritas.

Paalala ng Pari ngayong Father’s Day ang mahalagang tungkulin ng mga Ama na katulad ng pagiging ‘Pari’ sa kanilang mga tahanan kung saan kanilang pangungunahan ang mga pananalangin at hakbang upang mapalapit sa Panginoon ang kaniyang pamilya.

Kasunod nito ang mahalagang tungkulin ng mga Ama bilang tagapagtustos ng pangangailangan ng kanilang pamilya at pagiging tagapagtanggol sa tahanan laban sa anumang banta sa parehong aspeto ng pisikal at emosyonal na pangangailangan.

“The 3 Roles of Godly Father, 1: The Father is the priest in his own home, He is the intercessor in prayers, Instructor to his children and a leader is showing good examples at all times, 2:The Father is the provider in his own home, He provides physical, emotional, and intellectual needs of his children to bring out the best in their potentialities accdg to Gods plans, 3;The Father is the protector of his home, He provides physical security, moral security, and emotional security. He finds time to be present,” ayon sapa sa mensahe ni Fr.Pascual.

Magugunita na ngayong taon, bagamat walang opisyal na tema ang United Nations at pamahalaan ng Pilipinas ay una ng itinalaga ang paggunita sa Global Day of Parents sa temang ‘The Promise of Playful Parenting’ upang isulong sa mga magulang na paigtingin ang personal na paggabay at papapalaki sa kanilang mga anak.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng digmaan

 13,443 total views

 13,443 total views Mga Kapanalig, hanggang kailan pa magdurusa ang mga inosente sa nagpapatuloy pa ring digmaan sa Gaza? Kamakailan, inaprubahan ng gobyerno ng Israel ang

Read More »

Katiwalian at media

 24,686 total views

 24,686 total views Mga Kapanalig, nandidiri ba kayo sa korapsyon? Dapat lang. “Kailangang maging nakakadiri ang korapsyon,” sabi nga ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa

Read More »

Budget and spend responsibly

 36,672 total views

 36,672 total views Mga Kapanalig, “ber months” na!  Para sa ilan sa atin, ang unang araw ng Setyembre ay hudyat na papalapít na ang Kapaskuhan. Nagsisimula

Read More »

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 80,953 total views

 80,953 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 97,940 total views

 97,940 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top