Pangulong Marcos, nagpaabot ng pakiisa at pakikiramay sa pagkamatay ng 11-Filipino sa Canada

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,719 total reads

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagluluksa ng Filipino community sa Vancouver, Canada kasabay ng trahedyang naganap sa selebrasyon ng Lapu-Lapu Festival.

Sa ginanap na press briefing sa Malacañang, kinumpirma ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa pamamagitan ng embahada ng Pilipinas sa Canada ang pagkasawi ng 11 mga Filipino na dumalo sa pagdiriwang, na ang pinakabata ay nasa limang taon at ang pinakamatanda ay 65 taong gulang.

“On a day meant to honor the courage of Lapu-Lapu, our kababayans in Vancouver became victims of an unspeakable tragedy,” pahayag ng Pangulo. “As your President, and as a father, I share in your grief and your anguish. The lives lost will not be forgotten,” ayon sa pahayag ng Pangulo.

Ayon pa sa Pangulo, “On this solemn occasion, the Filipino people stand together in mourning, in prayer, and in unwavering support,” dagdag ni Pangulong Marcos. “We will do everything in our power to bring comfort, to bring help, and to honor their memory with action.”

Ang trahedya ay nagdulot ng matinding lungkot sa komunidad ng mga Filipino sa Vancouver, at naganap sa araw ng selebrasyon para kay Lapu-Lapu, ang bayani ng Pilipinas na kilala sa paglaban sa mga dayuhang mananakop.

Inatasan na rin ng Pangulo ang mga diplomat at kawani ng embahada sa Vancouver upang tiyakin ang agarang tulong para sa mga biktima at upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Canada. “We have given specific instructions to our diplomats and staff in Vancouver to extend assistance to the victims and coordinate with Canadian authorities properly,” ani Pangulong Marcos.

Hinihikayat din ng Pangulo ang publiko na manatiling mahinahon at maging mapagmatyag sa kabila ng trahedya. “I encourage everyone concerned to keep calm but remain vigilant.”

Sa kabila ng pagluluksa, patuloy ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga naapektuhang pamilya, na nagbibigay ng pag-asa sa komunidad ng mga Filipino sa Vancouver.

Sa ulat, naganap ang insidente noong Abril 26, 2025, nang isang sasakyan ang pumasok sa isang bahagi ng kalsada sa Vancouver, Canada, kasabay ng Lapu-Lapu Festival, na ikinasawi ng 11 tao at ikinasugat ng higit sa 20.

Inaresto ang suspek at nahaharap sa kasong ‘murder’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 149,479 total reads

 149,479 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 181,420 total reads

 181,420 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 215,544 total reads

 215,544 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 271,950 total reads

 271,950 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top