Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paninigarilyo, banta sa kalusugan at kalikasan

SHARE THE TRUTH

 1,589 total views

Pinaalalahan ng mga eksperto ang publiko na tigilan na ang paninigarilyo dahil sa patuloy na banta na idinudulot nito sa kalusugan at kalikasan.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Caritas Manila Health Program Consultant, Dra. Madeliene De Rosas-Valera, malaki ang nagiging epekto ng paninigarilyo sa pagtaas ng kaso ng mga nagkakaroon ng Covid19 at iba pa na mga malulubhang karamdaman.

Kasabay ng paggunita sa No Tobacco Month ngayong buwan ng Hunyo hinikayat ni Dra. Valera ang mga naninigarilyo na talikdan na ang nasabing bisyo at isa-alang alang ang ating mga mahal sa buhay na maaring magkasakit dahil dito.

“Isipin po ninyo hind lang katawan nyo ang napupurwisyo, maging ang sarili mong kasama sa bahay, mga mahal mo sa buhay, mga kasama mo sa opisina, yun naiiwan ng smoke sa pader na maaring malanghap ng anak mo o apo tapos environment impact pa nito.”pahayag ni Dra. Valera.

Nanindigan si Dra. Valera na ang paninigarilyo ay maaring maging dahilan upang mabilis na dapuan ng sakit gaya ng Covid19.

“Sinasabi nga ng WHO kapag ikaw ay naninigarilyo it increases yung risk mo para magkaroon ka ng viral infection kasi nga yun cigarette smoking para kang nagne-necrosis, namamatay ang iyong cells” ani Dra. Valera.

Sinabi pa ni Dra. Valera na maging ang Electronic cigarette o vaping ay masama din ang epekto sa ating pangangatawan kaya’t hindi ito dapat tangkilikin lalo na ng mga kabataan.

Aniya, ang paninigarilyo ay isang uri ng adiksyon kaya’t kailangan ng ibayong suporta mula sa pamahalaan upang ito ay tuluyan ng tigilan.

“Ang gobyerno, ang DOH maliban sa sin tax na para makalikom ng pera ay meron na tinatawag na smoking cessation program… sabi ko nga iyan ay parang addiction hindi mo mapipigil.. kailangan ng pasensya at maipaliwanag mo sa naninigarilyo na dapat sa kanyang sarili ay magkaroon talaga ng kagustuhan na mag-stop sa smoking” dagdag pa ng dating undersecretary ng Department of Health.

Batay sa datos ng World Health Organization, umaabot sa 600 libong indibidwal ang namamatay kada taon dahil sa exposure sa tinatawag na second hand smoke. Ang Pilipinas ay isa sa 15 mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming tobacco related ill health.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 11,630 total views

 11,630 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 19,730 total views

 19,730 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 37,697 total views

 37,697 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 66,993 total views

 66,993 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 87,570 total views

 87,570 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 21,598 total views

 21,598 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Latest News
Rowel Garcia

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 39,888 total views

 39,888 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top