Panukalang Ahunan Pumped Storage Hydropower Project sa Pakil,Laguna, ikinababahala ng Franciscans

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 248 total views

Labis na ikinabahala ng Franciscan Province of San Pedro Bautista o OFM Franciscans Philippines ang mga nagaganap na aktibidad kaugnay ng panukalang Ahunan Pumped Storage Hydropower Project (APSHP) sa Pakil, Laguna.

Kasunod ito ng inilabas na Cease-and-Desist Order ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) dahil sa posibleng epekto nito sa San Pedro de Alcantara Parish Church at ang makasaysayang Turumba Spring.

Ayon kay Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, Minister Provincial ng Franciscans Philippines ang nasabing mga pamanang pook ay hindi lamang mahalagang istruktura kundi may malalim na kasaysayan, kultura, pananampalataya at espiritwal na kahalagahan para sa mamamayan ng Pakil at ng bansa.

“As Franciscans, we believe that authentic development must always uphold the dignity of persons, protect the integrity of creation, and respect the cultural and spiritual heritage of communities,” pahayag ni Fr. Redoblado.

Iginiit ng pari na ang tunay na kaunlaran ay dapat laging nagtataguyod sa dignidad ng tao, nangangalaga sa integridad ng kalikasan, at iginagalang ang pamana ng kultura at pananampalataya, at hindi dapat isinasantabi ang mga ito kapalit ng pag-unlad ng ekonomiya.

Binanggit din ng mga Franciscano ang naging hakbang ng NHCP, na nagsabing nagpatuloy ang ilang konstruksiyon at kaugnay na aktibidad kahit may nauna nang kahilingan para sa pagsusumite ng mga plano at Heritage Impact Assessment.

Dahil dito, ipinag-utos ng komisyon ang agarang pagsuspinde ng proyekto habang hinihintay ang pagsunod sa mga kinakailangang legal at heritage conservation requirements.

“The Franciscan tradition teaches us to contemplate creation not as a resource to be exploited but as a gift entrusted to our stewardship. Likewise, our historical and cultural heritage is not merely a remnant of the past but a sacred inheritance that connects generations and strengthens communal identity,” ayon kay Fr. Redoblado.

Hinikayat ni Fr. Redoblado ang lahat ng kinauukulan na sumunod sa batas, pairalin ang transparency at pananagutan, at magsagawa ng tunay at malawakang konsultasyon sa mga komunidad at sektor na maaapektuhan ng proyekto, kabilang dito ang mga lider ng Simbahan, environmental advocates, cultural workers, at iba pang stakeholder.

Hinikayat din ng pari na isantabi ang pansariling interes at unahin ang ikabubuti ng lahat, na nakabatay sa pangmatagalang pangangalaga sa kalikasan, pagpapanatili ng pamanang kultura, at pagsusulong ng katarungang panlipunan.

Ipinahayag din ng mga Franciscano ang pakikiisa sa Diocese of San Pablo, sa mamamayan ng Pakil, at sa mga deboto ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba, gayundin sa pangangalaga ng San Pedro de Alcantara Church at ng likas na kapaligiran ng pamayanan.

Sa paggunita ng ika-800 anibersaryo ng Transitus o Kamatayan ni San Francisco ng Assisi, sinabi ng mga Ordeng Franciscano sa Pilipinas na ang hamon ay hindi lamang tungkol sa isang proyekto, kundi sa uri ng kinabukasan na nais ipamana sa susunod na henerasyon.

“We therefore urge all stakeholders to pursue a path marked by dialogue, transparency, responsibility, and respect for both creation and heritage. In doing so, we honor not only our legal obligations but also our moral duty to care for God’s gifts and protect the memory and identity of our people,” saad ni Fr. Redoblado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 16,652 total views

 16,652 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 30,229 total views

 30,229 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 58,793 total views

 58,793 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 108,500 total views

 108,500 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 102,957 total views

 102,957 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top