Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 355 total views

Kada-daan lamang ng isa na namang super typhoon sa ating bayan. Milyong-milyong tao na naman ang naapektuhan, at milyong milyong halaga ng mga produkto na naman ang napinsala. Isa sa mga imahe na naging matingkad nitong nakaraang bagyo ay ang panaghoy ng isang ginang na nabaha na naman ang tahanan sa San Mateo Rizal. Anya, ganito na rin nangyari sa kanila noong dumaan ang Ondoy. Bakit paulit-ulit na lang?

Ayon sa isang pag-aaral ng World Bank, ang pagbaha ay isa sa mga key vulnerabilities ng ating bansa. Ayon pa dito, tinatayang mga 176,000 na tao ang karaniwang ma-a-apektuhan at mga $625 milyon ang halaga ng mga pinsala kada taon dahil sa pagbaha.

Madalas ang pagbaha sa ating bayan dahil tayo ay isa sa mga cyclone-prone na bansa sa buong mundo. Daanan talaga ang ating bayan ng mga bagyo at dahil dito, mas madalas at mas mabigat ang pag-ulan sa atin, kumpara sa ibang bansa. Ang mga pag-ulan na ito ang pangunahing salik ng mga pagbaha.

Kaya nga lamang, ang key vulnerability na ito ay parang sugat na mas lumalalim at di gumagaling dahil na rin sa mga gawain ng tao. Isang halimbawa ay ang patuloy na pagkakalbo ng mga bulubundukin sa ating bansa. Ang mga natural na watershed areas gaya ng Marikina Watershed ay patuloy pa ring nasisira dahil sa pamumutol ng puno pati na ng quarrying. Ang watershed na ito ay nagbibigay proteksyon laban sa pagbaha sa National Capital Region pati na sa probinsya ng Rizal.

Isa pa sa mga dahilan ng pagbaha sa maraming lugar ng ating bayan ay ang mga pagbabago sa land-use at zoning ng maraming mga syudad. Ang mga natural na daluyan ng tubig ay naharangan na ng iba ibang istraktura. Ang mga baybayin ay naging pabahay na. Ang mga dating katawang tubig ay natabunan na.

Ang mga pangyayaring ito ay nagpapalala ng mga epekto ng climate change, na siya namang nagdudulot ng mas malalakas na ulan at bagyo sa ating bayan.   Kung hindi natin bibigyan pansin ang mga salik  na ito, paulit ulit talaga ang mga pagbaha sa ating bayan, at mas lalala pa ito sa kalaunan.

Ang malimit na pagbaha sa maraming lugar sa ating bayan ay ebidensya na mali at kulang ang ating mga tugon sa mga bulnerabilidad ng ating bayan. Sa halip na mabawasan natin ang pinsala ng mga bagyo at iba pang sakuna sa bayan, umuulit ulit lamang ito at mas nadadagdagan pa.

Ayon kay Pope Francis sa Laudato Si, ang climate change ay isang moral issue. Ang climate change ay resulta ng gawain ng tao, gaya din ng pagkalbo ng mga kabundukan, pagbara ng mga natural na daluyan ng tubig, at ng kakulangan sa mga polisiya at aksyon na mangangalaga ng kalikasan.  Ang pagpapatuloy nito ay kasalanan hindi ba, kasalanan na nakakapinsala at nakamamatay. Hahayaan na lamang ba natin na paulit-ulit ito?

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 11,076 total views

 11,076 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 29,647 total views

 29,647 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 55,093 total views

 55,093 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 65,894 total views

 65,894 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 5,252 total views

 5,252 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

MISALIGNED

 11,078 total views

 11,078 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 29,649 total views

 29,649 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 55,095 total views

 55,095 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 65,896 total views

 65,896 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 92,248 total views

 92,248 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 100,960 total views

 100,960 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 104,591 total views

 104,591 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 107,147 total views

 107,147 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 109,525 total views

 109,525 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »
1234567