Pilipinas, nangangailangan ng espiritwal na paghilom

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,637 total reads

Hinimok ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang mga mananampalataya na palalimin ang debosyon kay Nuestra Señora de la Salud kasabay ng panawagan para sa pananagutan sa gitna ng lumalalang korapsyon sa bansa.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Health noong November 17 sa San Nicolas de Tolentino Parish sa Quezon City, binigyang-diin ng obispo na napapanahon ang muling pag-usbong ng debosyon sa Birhen, lalo’t ang pangalang Salud ay mula sa salitang Latin na salus na tumutukoy hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa kaligtasan.

Ayon kay Bishop Ayuban, paalala ito na ang bansa ay nangangailangan hindi lamang ng pisikal na kagalingan kundi ng espirituwal na paghilom.

“We are so broken, so fragmented that we cry out for wholeness, for healing. That’s why we need our Blessed Mother’s intervention more than ever,” pahayag ni Bishop Ayuban sa Radyo Veritas.

Kaugnay ng paghahanda para sa ikaapat na sentenaryo ng pagdating ng Our Lady of La Salud sa Pilipinas, hinikayat ng obispo ang mga mananampalataya na tularan ang pagiging ina ni Maria sa mga naghihirap.

“We are a suffering people who need the maternal and tender intercession and accompaniment of our Blessed Mother,” aniya.

Kasabay nito, nanawagan si Bishop Ayuban sa publiko na manindigan laban sa katiwalian at bantayan ang paggamit ng pondo ng bayan.

“We, as people of God, as sons and daughters of Mary, cannot be silent in front of massive corruption,” giit niya

Ipinaalala ng Obispo na ang pondo para sa kalusugan, edukasyon at kapakanan ng mamamayan ay hindi dapat mapunta sa “pandarambong at pagnanakaw.”

Inanyayahan din ng obispo ang mamamayan na makiisa sa mga pagtitipon, kabilang ang misa sa November 23 para sa ika-100 anibersaryo ng Christ the King na pangungunahan ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David sa National Shrine of Our Lady Queen of Peace o EDSA Shrine, alas 4:30 ng hapon.

Pangungunahan naman ni Bishop Ayuban ang misa sa EDSA People Power Monument sa November 30 para sa “1 Trillion March” sa ganap na alas-10 ng umaga.

Samantala, pinangunahan din ng obispo ang paglulunsad ng siyam na taong paghahanda para sa ikaapat na sentenaryo, kabilang ang opisyal na pagpapakilala ng logo ng pagdiriwang.

Ang Our Lady of La Salud o Nuestra Señora de la Salud ay dinala sa Pilipinas ng mga Recoletos noong 1600s at kinilalang patrona ng kalusugan at kaligtasan. Mabilis lumaganap ang debosyon dahil sa mga ulat ng kagalingan at himala.

Humina ito sa paglipas ng panahon subalit muling binuhay ng mga Recoleto noong 2017 at patuloy na ipinalalaganap ang debosyon bilang Ina ng kagalingan at pag-asa ng mga mananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 126,667 total reads

 126,667 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 158,397 total reads

 158,397 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 260,224 total reads

 260,224 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 300,781 total reads

 300,781 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 316,029 total reads

 316,029 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top