Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pilipinong Pari, itinalagang opisyal sa Dicastery for Evangelization ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 3,676 total views

Nagtalaga ang Santo Papa Francisco ng dalawang bagong opisyal sa Dicastery for Evangelization sa Vatican.

Kabilang sa itinalaga si Filipino Priest Monsignor Erwin Balagapo at Mosignor Han Hyuntaek na magiging bahagi sa pamamahala sa Section for the First Evangelization and New Particular Churches na pinangangasiwaan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle.

Batay sa appointment magsisilbi ang dalawang opisyal sa loob ng limang taon sa nasabing tanggapan.

Noong 2013 iniakda ni Msgr. Balagapo ang aklat na “Matrimony and Family: A Human Reality par Excellence According to the Teachings of Karol Wojtyla.”

Si Msgr. Balagapo ay inordinahang pari noong July 12, 1996 mula sa Archdiocese of Palo sa Leyte na kasalukuyang naglilingkod sa ibayong dagat.

Matatandaang sa Praedicate Evangelium ni Pope Francis ipinatupad ang mga pagbabago sa Roman Curia kung saan ang Dicastery for the Evangelization na dating Congregation for the Evangelization of Peoples’ ay personal na pinangasiwaan ng santo papa at hinati sa dalawang tanggapan na pinamahalaan ng Pro Prefect na sina Cardinal Tagle sa Section for the First Evangelization and New Particular Churches habang si Archbishop Salvatore Fisichella naman sa Section for Fundamental Questions regarding Evangelization in the World.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 31,826 total views

 31,826 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 63,821 total views

 63,821 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 108,613 total views

 108,613 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 131,899 total views

 131,899 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 147,298 total views

 147,298 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top