Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pinakamataas na parangal, iginawad ng Santo Papa sa isang RCAM Priest

SHARE THE TRUTH

 1,861 total views

Pormal nang tinanggap ni Fr. Domingo Baybay ang Pro Ecclesia et Pontifice, ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Santo Papa sa mga pari at laiko na may natatanging paglilingkod sa Simbahang Katolika.

Ayon kay Fr. Baybay, hindi niya inaasahang tatanggap ng pagkilala mula sa Santo Papa para sa kanyang pagpapastol, lalo na sa komunidad ng Santisima Trinidad Parish sa Malate, Maynila, kung saan siya ang kauna-unahang kura paroko.

“I do not remember any significant thing I have done in my life that I would say deserves this honor,” pahayag ni Fr. Baybay sa Radyo Veritas.

Bagama’t ikinatuwa ang parangal, iginiit ng pari na hindi ito itinuturing bilang gantimpala sa kanyang misyon kundi isang hamon upang ipagpatuloy ang paglilingkod sa sambayanan.

Sa kabila ng kanyang pagreretiro at karamdaman na minsan ay naging dahilan upang magdiwang siya ng Misa nang nakaupo ay nagbigay ng panibagong lakas at sigla ang pagtanggap ng parangal.

“This award gives me a strong motive to go on as long as I’m able to serve,” dagdag pa ni Fr. Baybay.

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng Pro Ecclesia et Pontifice Medal sa ginanap na seremonya sa Santisima Trinidad Parish.

Sa kanyang homiliya, pinuri ng kardinal ang mahabang taong paglilingkod ni Fr. Baybay at ang kanyang papel sa pagpapatatag ng pamayanang Kristiyano sa kabila ng mga pagsubok.

Ayon kay Cardinal Advincula, nanatiling masigasig si Fr. Baybay sa pangunguna sa parokya sa gitna ng mga kalamidad at halos dalawang dekadang usaping legal na humamon sa karapatan ng komunidad na makapagsamba sa kanilang sariling simbahan.

“He strives to lead you as a prayerful and caring community so that all may be one,” ayon kay Cardinal Advincula, kasabay ng panawagang panibaguhin ng pamayanan ang kanilang pagtatalaga sa misyon ng pagkakaisa.

Sa salaysay ni Fr. Baybay, nagsimula noong 1994 ang usapin sa legalidad ng pag-aari sa kinatatayuan ng parokya, na natapos lamang noong 2013 matapos ang desisyong pumabor sa simbahan, ilang sandali bago siya magretiro sa aktibong paglilingkod.

Para kay Fr. Baybay, ang tunay na gantimpala ng bokasyon ay hindi ang mga parangal kundi ang pananatiling tapat sa tawag ng Diyos.

“Just try your best to be faithful to your own calling… God always gives you the talent and the grace that will enable you to do what He’s calling you for,” paalala ng pari.

Dumalo sa pagtitipon ang komunidad ng Santisima Trinidad Parish, gayundin ang mga pari ng Archdiocese of Manila, kabilang ang kasalukuyang kura paroko na si Manila Chancellor Carmelo Arada Jr. at dating kura paroko Fr. Joselito Buenafe.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wala ba talagang due process?

 125,855 total views

 125,855 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 170,395 total views

 170,395 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 201,789 total views

 201,789 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Trahedya sa basura

 217,625 total views

 217,625 total views Mga Kapanalig, isang trahedya ang pagguho ng Binaliw landfill sa Cebu City ngayong Zero Waste Month pa naman. Noong ika-8 ng Enero, gumuho

Read More »

Tunay na kaunlaran

 239,401 total views

 239,401 total views Mga Kapanalig, ilang barikada pa kaya ang itatayo ng mga residente ng bayan ng Dupax del Norte sa Nueva Vizcaya upang protektahan ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top