Pinal na Synod document, pagninilayan sa MAGPAS 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,835 total reads

Inaanyayahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na makiisa sa nakatakdang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly o MAGPAS sa susunod na buwan ng Hunyo.

Nakatakda ang pang-arkidiyosesanong pagtitipon sa ika-7 ng Hunyo, 2025 araw ng Sabado sa Sta. Clara de Montefalco Parish sa Pasay City mula alas-syete hanggang alas-unse ng umaga.

Sa sirkular ng Arsobispo ay inihayag ng Cardinal ang paglalaan ng ikatlong yugto ng MAGPAS ngayong buwan ng Hunyo para sa pagbabahagi ng katesismo sa pagsusulong ng patuloy na pagbabago sa lipunan at patuloy na pagninilay sa Final Synod Document.

Ayon kay Cardinal Advincula, layunin ng MAGPAS na maibahagi ang diwa ng synodality sa lahat ng antas ng lipunan kaya’t mahalaga ang pakikiisa ng mamamayan lalo’t higit ang mga kabataan sa sama-samang pagninilay at talakayan.

“Continuing our reflection on the Final Synod Document, the thirds MAGPAS of 2025 will focus on Part III: “Cast the Net” – The Conversion of Processes, I am pleased to invited you and your community, especially the involvement of your lay leaders, particularly the youth.” Ayon kay Cardinal Advincula.

Layunin ng MAGPAS na tipunin ang nasasakupang mananampalataya ng arkidiyosesis para sa makabuluhang pastoral formation lalo ngayong isinusulong nito ang Traslacion Roadmap o ang path of spiritual renewal and structural reforms’ ng RCAM.

Magsisimula ang registration ng MAGPAS ganap na alas siyete ng umaga na susundan ng banal na misa ganap na alas-otso ng umaga na susundan ng paglalagom para sa MAGPAS noong Abril.

Magsisimula ganap na alas-nuebe kinse ng umaga ang talakayan sa Part III of the Final Document of the Synod on Synodality na inaasahang pangungunahan ni Rev. Fr. Jason Laguerta, habang susundan naman ito ng Conversastions in the Spirit ganap na alas-dyes ng umaga na magtatapos sa pamamagitan ng isang paglalagom at pagbabasbas ganap na alas-unse ng umaga.

Sa mga nais na makibahagi sa nakatakdang MAGPAS sa ika-7 ng Hunyo, 2025 ay maaaring magparehistro online sa Jubilee Website na jubilee.rcam.org o makipag-ugnayan sa Office for the Promotion of the New Evangelization sa [email protected] o sa telepono bilang 02 8405-0093 at cellphone numero bilang 0962-448-1859.

Ang MAGPAS ay pagtitipon ng mga layko, pari, madre, kabataan at ministry leaders ng Arkidiyosesis ng Maynila upang hubugin at hikayatin ang bawat mananampalataya sa pagpapanibago tungo sa nagkakaisang komunidad habang tinatalakay ang napapanahong usapin na nakasentro sa Panginoon.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 16,650 total reads

 16,650 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 16,777 total reads

 16,777 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 30,429 total reads

 30,429 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 86,835 total reads

 86,835 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 210,336 total reads

 210,336 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 294,223 total reads

 294,223 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top