Plano ng pamahalaan na itaas ang singil sa buwis, binatikos ng EILER

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,466 total reads

Nababahala ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa plano ng pamahalaan na taasan ang buwis sa bansa.

Ito ay matapos ipahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang layuning itaas ang singil sa buwis ilang buwan buwan bago matapos ang termino ng Administrasyong Duterte.

Ayon kay Rochelle Porras, EILER Executive Director, hindi napapanahon ang pagtataas ng buwis.

Ito ay dahil na rin sa hindi nakakatulong at pananatiling mabagal ang pagtugon ng pamahalaan sa pagharap sa iba’t ibang suliranin ng mga frontline health workers, mabagal na vaccinationa drive at kakulangan ng financial aid para sa mga mamamayang apektado ng COVID-19 ang kabuhayan.

“Makikitang napakabagal at hindi pa rin ito epektibo. Kulang-kulang pa rin ang suporta para sa sistemang pangkalusugan at sa mga health workers. Nananatiling mabagal ang pagpapabakuna lalo sa mga mahihirap na rehiyon. Kulang o walang ayudang natatanggap ang marami sa mga mamamayan, laluna yung mga tinatamaan ng COVID-19,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Porras sa Radio Veritas.

Paninindigan ng EILER, hindi dapat pasanin ng mamamayan, maliliit na negosyo at industriya ang mga pagbabayad ng utang ng pamahalaan higit na kung hindi naman nabenepisyuhan ang mga ito.

“Hindi dapat pasanin ng ordinaryong mamamayan at maliliit na industriya ang bigat ng pagbabayad ng utang na hindi naman nito napakinabangan,” ayon kay Porras.

Sa halip, ayon kay Porras, ay dapat ituon ng pamahalaan ang pagsingil ng buwis ng malalaking negosyante sa bansa.

Ayon sa mga datos ng EILER simula pa noong 2020, sa halip na malugi ng dahil sa pandemya at mas tumaas pa ng 10% hanggang 16% ang kita ng ilang bilyonaryong business tycoons sa Pilipinas.

“Dapat puntiryahin ng gobyerno ang mga malalaking negosyante na kumamal ng kita sa panahon ng pandemiya. Ayon sa mga datos, noong 2020, may ilang mga bilyunaryo na, sa gitna ng matinding krisis pang-ekonomiya, ay tumaas pa ang yaman nang hanggang 10-16%,” pagbabahagi pa ni Porras.

Una ng nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa bawat economic leaders sa buong mundo na magpatupad ng mga economic policies na isasama maging ang pinakamahihirap na mamamayan sa lipunan tungo sa pag-unlad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,103 total reads

 78,103 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 125,748 total reads

 125,748 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,619 total reads

 173,619 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,566 total reads

 277,566 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,034 total reads

 360,034 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top