Pontifical coronation, iginawad ni Pope Leo XIV sa imahe imahe ng Nuestra Señora de los Ángeles ng Pila Pila, Binangonan, Rizal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,807 total reads

Malugod na ibinahagi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang paggawad ni Pope Leo XIV ng Pontifical Coronation sa imahe ng Nuestra Señora de los Ángeles ng Pila Pila, Binangonan, Rizal.

Ayon sa obispo, isang malaking biyaya para sa diyosesis at sa lokal na simbahan ng Rizal ang pagkilalang ito na magpapalago ng debosyon sa Mahal na Ina, lalo’t kilala ang mga Pilipino bilang Pueblo Amante de Maria.

“We are very thankful to His Holiness, Pope Leo XIV, for this immense blessing. We renew our filial affection and take this amazing honor of the pontifical coronation of this historic and hallow 133-year-old Nuestra Señora de los Ángeles as a responsibility to further spread our Catholic faith, deepen our Marian devotion and live more concretely the teachings of our Church,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagkilala ng Simbahang Katolika sa imahe ng Mahal na Ina ay magsisilbing gabay sa mga mamamayan, lalo na sa mga naninirahan malapit sa lawa ng Laguna de Bay.

“With the Pontifical Coronation of Nuestra Señora de los Ángeles, which geographically lies along and facing the Laguna de Bay, we humbly invoke her as our Lady of the Lake, shining and guiding star of our fisher folks plying around the Talim island,” dagdag pa ng obispo.

Batay sa tala, nagsimula ang debosyon sa Our Lady of the Angels noong 1892 nang masaksihan ni Teniente Ambrosio Blanco ang isang liwanag at estampa ng Mahal na Birheng Maria.

Mula sa larawan sa estampa ay nilikha ang imahen ni Juan de Plamenco ng Malate, Manila, na inilipat sa isang kapilya sa Pila Pila. Noong 2022, ginawaran ito ng Episcopal Coronation bilang pagkilala sa 130 taon ng debosyon.

Noon, ipinagdiriwang ang pista ng Nuestra Señora de los Ángeles tuwing March 15, subalit inilipat ito sa August 2, alinsunod sa liturhikal na kapistahan ng Birheng Reyna ng mga Anghel.

Ipinahayag ni Bishop Santos na sa pamamagitan ng pamamatnubay ng Mahal na Ina, matatagpuan ng mga mananampalataya ang landas patungo kay Kristo.

“With the Blessed Mother Mary we come to Jesus. And from Jesus graces spring and ocean of mercy overflows,” ani Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 45,965 total reads

 45,965 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 82,755 total reads

 82,755 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 115,994 total reads

 115,994 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 167,279 total reads

 167,279 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 228,908 total reads

 228,908 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top