Posture of kneeling, ipapatupad ng Diocese of Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,429 total reads

Ipatutupad ng Diocese of Cubao ang ‘Posture of Kneeling’ o pagluhod ng mananampalataya habang inuusal ang Eucharistic Prayer sa pagdiriwang ng banal na misa.

Sa sirkular na inilabas ni Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF, pinagtibay nito ang napagkasunduan sa 128th plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ipagpatuloy ang nakagawiang pananatiling nakaluhod sa ‘consecration’ hanggang sa ‘Doxology’ o ang Great Amen.

Batay sa General Instruction of the Roman Missal (GIRM) pinahintulutan nito ang Bishops’ Conferences na magtakda ng mga alintuntunin hinggil sa wastong kilos at pananatili ng katawan sa pagdiriwang ng banal na Eukaristiya.

“This decision deepens our reverence for Christ’s presence in the Eucharist and aligns with the CBCP’s existing directives and the GIRM. As the Church calls us to a unified posture during the Eucharist, may this practice strengthen our identity as Catholic Christians. Let us worship the Lord together in spirit and truth,” bahagi ng pahayag ni Bishop Ayuban.

Ipatutupad ng diyosesis ang kautusan sa April 17, 2025, Huwebes Santo, sa lahat ng nasasakupang parokya kaya’t hinimok ni Bishop Ayuban ang mga pari na gabayan ang nasasakupang kawan.

Bilang paghahanda ng diyosesis inatasan ni Bishop Ayuban ang Diocesan Ministry for Liturgical Affairs at Social Communications Ministry na lumikha ng Catechetical Series para sa lahat ng media platforms ng diyosesis at mga parokya upang magbigay katesismo sa mananampalataya.

Sa March 23, sa ikatlong Linggo ng Kuwaresma, tatalakayin sa katesismo ang kasaysayan ng pagtayo at pagluhod sa mga gawain ng simbahan mula ika – 12 siglo; sa March 30, ang Theology ng pagluhod bilang paraan ng pagsamba; sa April 6 ang ikalawang bahagi ng Theology habang sa April 13 naman ang desisyon ng CBCP hinggil sa Unity in Worship.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 16,819 total reads

 16,819 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 52,320 total reads

 52,320 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 108,726 total reads

 108,726 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 231,450 total reads

 231,450 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top