1,865 total views
Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga Gawa 13, 13-25
Salmo 88, 2-3. 21-22. 25 at 27
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
Juan 13, 16-20
Thursday of the Fourth Week of EasterΒ (White)
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 13, 13-25
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Mula sa Pafos, si Pablo at ang kanyang mga kasama ay naglayag, at dumating sa Perga ng Panfilia; ngunit humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem. Mula sa Perga, nagpatuloy sila at dumating sa Antioquia ng Pisidia. Nang Araw ng Pamamahinga, pumasok sila sa sinagoga at naupo. Matapos ang pagbasa sa ilang bahagi ng mga aklat ng Kautusan at ng mga propeta, napasabi sa kanila ang mga tagapamahala ng sinagoga, βMga kapatid, kung mayroon kayong iaaral sa mga tao, magsalita na kayo!β Kayaβt tumayo si Pablo at sinenyasan silang tumahimik.
βMga Israelita at mga taong may takot sa Diyos β makinig kayo! Ang Diyos ng ating bansang Israel ang humirang sa ating mga ninuno. Silaβy ginawa niyang isang malaking bansa samantalang naninirahan sa lupain ng Egipto, inilabas doon sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan, at pinagtiisan sa ilang sa loob ng halos apatnapung taon. Pagkatapos niyang lipulin ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinagkaloob sa kanila ang lupain ng mga iyon sa loob ng halos apatnaraaβt limampung taon.
βPagkatapos, silaβy binigyan niya ng mga hukom hanggang kay Propeta Samuel. Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos ang isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin, si Saulo na anak ni Cis. Naghari si Saulo sa loob ng apatnapung taon. At nang siyaβy alisin ng Diyos, inihalili si David upang maghari sa kanila. At ganito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanya. βNatagpuan ko kay David na anak ni Jesse ang lalaking nakalulugod sa akin, isang lalaking handang tumupad sa lahat ng iniuutos ko.β Mula sa angkan ng lalaking ito ipinagkaloob ng Diyos sa Israel si Hesus, ang kanyang ipinangakong Tagapagligtas. Bago siya dumating, ipinangaral ni Juan sa buong Israel na dapat nilang pagsisihaβt talikdan ang kanilang mga kasalanan, at pabinyag. Nang matapos na ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, βSino ba ako sa akala ninyo? Hindi ako ang Kristo. Ngunit siyaβy darating na kasunod ko. At hindi ako karapat-dapat kahit taga-alis ng panyapak.ββ
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 88, 2-3. 21-22. 25 at 27
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
o kaya:Β Aleluya.
Pag-ibig mo, Poon, na di magmamaliw
ang sa tuwi-tβwinaβy aking aawitin;
ang katapatan moβy laging sasambitin.
Yaong pag-ibig moβy walang katapusan,
sintatag ng langit ang βyong katapatan.
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
Ang piniling lingkod na itoβy si David,
aking pinahiran ng banal na langis.
Kayaβt palagi ko siyang aakbayan
at siyaβy lalakas sa aking patnubay.
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
Ang pagtatapat koβt pag-ibig na wagas,
ay iuukol koβt aking igagawad,
at magtatagumpay siya oras-oras.
Akoβy tatawaging ama niyaβt Diyos,
Tagapagsanggalang niyaβt Manunubos.
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
ALELUYA
Pahayag 1, 5ab
Aleluya! Aleluya!
Si Hesukristo ay tapat,
saksi at buhay ng lahat;
tayoβy kanyang iniligtas.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 13, 16-20
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Nang mahugasan na ni Hesus ang mga paa ng kanyang mga alagad, sinabi niya sa kanila: βSinasabi ko sa inyo: ang alipin ay hindi dakila kaysa kanyang panginoon, ni ang sinugo kaysa nagsugo sa kanya. Kung nauunawaan ninyo ang mga bagay na ito at inyong gagawin, mapapalad kayo.
βHindi para sa inyong lahat ang sinasabi ko; nakikilala ko ang aking mga hinirang. Ngunit dapat matupad ang nasasabi sa Kasulatan, βAkoβy pinagtataksilan ng taong pinakakain ko.β Sinasabi ko ito sa inyo bago pa mangyari upang, kung itoβy mangyari na, ay manalig kayo na βAkoβy si Ako Nga.β Tandaan ninyo: ang tumatanggap sa sinugo koβy tumatanggap sa akin; at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes
Habang nagkakatipon tayo ngayon bilang isang bayang nangangailangan, manalangin tayo nang may pusong nagpapakumbaba sa Diyos Ama taglay ang pagtitiwala sa kanyang dakilang habag.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain Mo kami kay Kristo.
Ang mga namumuno sa Simbahan nawaβy panatilihing buhay ang kanilang pagtatalaga ng sarili sa pangangaral ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinagkatiwalaan ng pamumuno nawaβy mag-akay at maging gabay ng mga tao sa diwa ng paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tumalikod sa kanilang pananampalataya nawaβy mahikayat pabalik sa pamilya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinanghihinaan ng loob dahil sa pagdarahop at karamdaman nawaβy makatagpo ng lakas at ginhawa mula kay Jesus na nagtagumpay sa kasalanan at kamatayan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawaβy makatanggap ng kanilang walang katapusang gantimpala, manalangin tayo sa Panginoon.
Amang makapangyarihan, tinawag mo kami upang makasama mo. Maging tapat nawa kami sa pagsunod sa iyong Anak sa daan patungo sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.