Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, DISYEMBRE 10, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,654 total views

Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B)

Isaias 40, 1-5. 9-11
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Pag-ibig moโ€™y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

2 Pedro 3, 8-14
Marcos 1, 1-8

Second Sunday of Adventย (Violet)

UNANG PAGBASA
Isaias 40, 1-5. 9-11

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

โ€œAliwin ninyo ang aking bayan,โ€ sabi ng Diyos.
โ€œAliwin ninyo sila.โ€
Inyong ibalita sa bayang Jerusalem,
na hinango ko na sila sa pagka-alipin;
pagkat nagbayad na sila nang ibayo
sa pagkakasalang ginawa sa akin.
May tinig na sumisigaw:
โ€œIpaghanda ang Panginoon ng daan sa ilang;
isang patag at matuwid na lansangan para sa ating Diyos.
Tambakan ang mga lambak,
patagin ang mga burol at bundok
at pantayin ang mga baku-bakong daan.
Mahahayag ang kaningningan ng Panginoon
at makikita ng lahat.
Siya mismo ang nagsabi nito.โ€
At ikaw, O Jerusalem,
mabuting balita ay iyong ihayag.
Ikaw, Sion,
umakyat ka sa tuktok ng bundok.
Ikaw ay sumigaw, huwag kang masisindak, sabihin sa Juda,
โ€œNarito ang iyong Diyos!โ€
Dumarating ang Panginoong Makapangyarihan
taglay ang gantimpala sa mga hinirang;
at tulad ng pastol,
yaong kawan niya ay kakalingain,
sa sariling bisig.
yaong mga tupaโ€™y kanyang titipunin;
sa kanyang kandungan ay pagyayamanin,
at papatnubayan ang tupang may supling.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Pag-ibig moโ€™y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Aking naririnig magmula sa Poon ang sinasalita;
sinasabi niyang ang mga lingkod nโ€™yaโ€™y magiging payapa,
kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.
Ang nagpaparangal sa pangalan niyaโ€™y kanyang ililigtas,
Sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.

Pag-ibig moโ€™y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ang pagtatapatan at pag-iibigaโ€™y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwiraโ€™y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupaโ€™y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan namaโ€™y maghahari mula sa itaas.

Pag-ibig moโ€™y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupaiโ€™y bubungang mainam;
sa harapan niya yaong maghahariโ€™y pawang katarungan,
magiging payapaโ€™t susunod ang madla sa kanyang daan.

Pag-ibig moโ€™y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

IKALAWANG PAGBASA
2 Pedro 3, 8-14

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pedro

Huwag ninyong kalilimutan ito, mga pinakamamahal: sa Panginoon, ang isang araw ay sanlibong taon, at ang sanlibong taon ay isang araw lamang. Ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa kanyang pangako tulad ng inaakala ng ilan. Hindi pa niya tinutupad ang pangakong tulad ng inaakala ng ilan. Hindi pa niya tinutupad ang pangakong iyon alang-alang sa inyo. Binibigyan niya ng pagkakataon ang lahat na makapagsisi at magbalik-loob sa Diyos, sapagkat hindi niya nais na kayoโ€™y mapahamak.

Ngunit ang Araw ng Panginoon ay darating na tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na yaon, ang kalangitan ay biglang mapaparam na may nakapangingilabot na ugong. Matutupok ang araw, buwan, at mga bituin, at ang lahat sa lupa ay malalantad. Yamang ganito ang magiging wakas ng lahat ng bagay, italaga na ninyo sa kanya ang inyong sarili at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban samantalang hinihintay ninyo ang Araw ng Diyos. Magsikap kayong mabuti upang madali ang pagdating ng Araw na iyon โ€“ araw ng pagkatupok ng kalangitan at pagkatunaw sa matinding init ng mga bagay na naroon. Ngunit ayon sa pangako ng Diyos, naghihintay tayo ng mga bagong langit at ng bagong lupa na pinaghaharian ng katarungan.

Kaya nga, mga minamahal, samantalang kayoโ€™y naghihintay, sikapin ninyong mamuhay na payapa, walang dungis at kapintasan.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lucas 3, 4. 6

Aleluya! Aleluya!
Daan ng Poong narโ€™yan na
tโ€™wiriโ€™t ihanda sa kanya.
Pagtubos nโ€™yaโ€™y makikita.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 1, 1-8

Ang simula ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Ito ang Mabuting Balita tungkol kay Hesukristo na Anak ng Diyos. Nagsimula ito noong matupad ang hula ni Propeta Isaias:

โ€œโ€˜Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo,
ihahanda niya ang iyong daraanan.โ€™
Ito ang sabi ng isang sumisigaw sa ilang:
โ€˜Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!โ€™โ€

At dumating nga sa ilang si Juan, nagbibinyag at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao, โ€œPagsisihan ninyoโ€™t talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabinyag kayo upang kayoโ€™y patawarin ng Diyos.โ€ Halos lahat ng taga-Judea at taga-Jerusalem ay pumunta kay Juan upang makinig. Ipinahayag nila ang kanilang mga kasalanan at silaโ€™y bininyagan niya sa Ilog Jordan.

Hinabing balahibo ng kamelyo ang damit ni Juan at balat ang kanyang pamigkis. Ang kanya namang pagkaiโ€™y balang at pulut-pukyutan. Lagi niyang sinasabi sa kanyang pangangaral, โ€œDarating na kasunod ko ang isang makapangyarihan kaysa sa akin: ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-2 Linggo ng Adbiyento

Dala pa rin ng pagnanasang lubos na makapaghanda sa pagtanggap sa Panginoon, hilingin natin ang tulong ng kanyang biyaya. Ating sambitin:

Halina, Panginoon aming kaligtasan!

Para sa buong Simbahan: Nawa siyaโ€™y kilalaning tagapaghatid ng mabuting balita sa mundong pinahihirapan ng kapusukan, kawalan ng katarungan, pagkakahati-hati, at karahasan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, at iba pang ministro sa Simbahan: Sa pagtulad kay Juan Bautista, nawaโ€™y hindi sila magsawang manawagan sa sang- katauhan para sa pagbabalik-loob. Manalangin tayo!

Para sa sangkatauhan: Nawaโ€™y aminin ng lahat ng taong kay Hesus lamang sila makatatagpo ng kahulugan, pagkakasundo, at katuparan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng nahihirapang umiwas sa bisyo: Nawaโ€™y lubos silang manalig sa habag ng Diyos, samantalang nagsisikap na sumunod sa Kanyang mga utos. Manalangin tayo!

Para sa mga taong may malubhang kapansanan: maging sentro nawa sila ng atensyon at pagkalinga ng sanlibutan sa halip na ipagsa isang tabi lamang o ipagtabuyan. Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, ikaw ang bukal ng aming pag-asa at kaligtasan. Palayain mo ang aming mga puso sa bawat masamang simbuyo at ipagkaloob mo sa amin ang kagalakan ng iyong pananahan sa amin. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagbabalik ng pork barrel?

 1,058 total views

 1,058 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.ย  Matapos daw ang โ€œexhaustive and rigorousโ€โ€”o kumpleto at masinsinโ€”na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More ยป

Mag-ingat sa fake news

 6,857 total views

 6,857 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalรข tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More ยป

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 25,416 total views

 25,416 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More ยป

Sss Premium Hike

 38,647 total views

 38,647 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More ยป

3 Planetary Crisis

 44,788 total views

 44,788 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulinโ€ฆ Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikhaโ€ฆ ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantalaโ€ฆ tayo ay

Read More ยป

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 14,227 total views

 14,227 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More ยป

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 14,379 total views

 14,379 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More ยป

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 14,980 total views

 14,980 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol koโ€™y Panginoong Dโ€™yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishopย (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More ยป

Martes, Nobyembre 12, 2024

 15,148 total views

 15,148 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa Dโ€™yos ang kaligtasan ng mga matโ€™wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyrย (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More ยป

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 15,467 total views

 15,467 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishopย (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More ยป

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 11,011 total views

 11,011 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalulโ€™wa ko, โ€˜yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kayaย Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More ยป

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 11,419 total views

 11,419 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang Dโ€™yos batis nโ€™yaโ€™y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Romeย (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More ยป

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 11,221 total views

 11,221 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 โ€“ 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong Dโ€™yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 โ€“ 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More ยป

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 11,372 total views

 11,372 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa Dโ€™yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More ยป

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 11,622 total views

 11,622 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginooโ€™y aking tanglaw, siyaโ€™y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More ยป

Martes, Nobyembre 5, 2024

 11,830 total views

 11,830 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kamiโ€™y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More ยป

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 11,692 total views

 11,692 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, Dโ€™yos ko, akoโ€™y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishopย (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More ยป

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 11,809 total views

 11,809 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: โ€œMatakot kayo sa

Read More ยป

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 12,068 total views

 12,068 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginooโ€™y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soulโ€™s Day)ย (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More ยป

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 12,211 total views

 12,211 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saintsย (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Akoโ€™y si Juan, at nakita kong

Read More ยป
Scroll to Top