Programa ng Makati City laban sa climate change, pinuri ng ecology ministry ng Manila

SHARE THE TRUTH

 1,037 total views

Suportado ng Archdiocese of Manila-Ministry on Ecology ang hakbang ng Makati City Government upang tugunan ang lumalalang epekto ng climate change sa lungsod.

Kasunod ito ng deklarasyon ng Makati City na isailalim sa state of climate emergency ang lungsod sanhi ng pagbabago ng klima ng kapaligiran.

Ayon kay Ecology Ministry Director Fr. Ric Valencia, nakababahala na ang mga pagbabago ng klima na nakakaapekto sa buhay ng bawat mamamayan lalo na sa Metro Manila.

Tinukoy ni Fr. Valencia ang lumalalang epekto ng polusyon sa hangin at pagtaas ng temperatura ng kapaligiran sanhi ng mga usok na nagmumula sa mga sasakyan at iba pang gawain ng tao.

“‘Yung adhikain ni Mayor Binay ay sana gawin ng lahat ng local government kasi ang mga LGU naman ang may kakayahang magpatupad niyan e. Full support din ang Archdiocese of Manila sa ikabubuti ng kapaligiran,” ayon kay Fr. Valencia.

Sa kasalukuyan, mahigpit na ipinapatupad sa Makati ang Solid Waste Management Code, Makati Green Building Code, plastic ban sa mga tahanan at business establishments, cigarette smoking ban, Anti-Smoke Belching Ordinance, at ang Greenhouse Gas Reduction Ordinance.

Binabalak rin ng lokal na pamahalaan na maglunsad ng humigit-kumulang 30 hanggang 50 electric bus sa taong 2024 bilang bahagi ng mga hakbang tungo sa pagbuo ng “smart and green” public transport system.

Umaasa naman si Fr. Valencia na tutularan ng ibang lokal na pamahalaan lalo na sa Metro Manila ang hakbang ng Makati City Government upang tuluyan nang matugunan ang lumalalang epekto ng nararanasang krisis sa kapaligiran.

Batay sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nagkaroon ng 0.75 degrees Celsius na pagtaas sa taunang temperatura ng bansa sa nakalipas na 70 taon.

Inaasahang pagsapit ng taong 2050 ay aabot na sa 1.8 degrees Celsius ang antas ng temperatura sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 9,740 total views

 9,740 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 42,404 total views

 42,404 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 47,550 total views

 47,550 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 89,731 total views

 89,731 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 105,245 total views

 105,245 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

50-pesos na wage hike, binatikos

 3,834 total views

 3,834 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top