Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Quiapo church media, kabilang sa top influencer media channel

SHARE THE TRUTH

 604 total views

Tiniyak ng Minor Basilica of the Black Nazarene ang pagpapaigting sa pagpalaganap ng mga Salita ng Diyos gamit ang social media.

Ito ang mensahe ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church hinggil sa pagkakabilang ng simbahan sa top influencer and media channel sa social media sa pag-aaral ng communication campaigns and consulting company na BluePrint.PH.

Ikinagagalak din ni Fr. Badong na marami ang naabot ng broadcast ng simbahan sa pamamagitan ng social media sa iba’t ibang panig ng mundo lalo’t may grupo ng mga OFW na deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa ibayong dagat.

“Napakalaking responsibilidad din ito na ipagpatuloy ng Basilica ang misyon ng simbahan na magbigay ng pag-asa at maghatid nang Mabuting Balita,” pahayag ni Fr. Badong sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa pag-aaral ng BluePrint.PH pangalawa ang Quiapo Church sa top 10 influencer na nangangahulugang sinusundan ng maraming netizens ang mga gawain ng simbahan tulad ng banal na misa.

Dagdag pa ni Fr. Badong na magandang plataporma rin ito sa paghahayag ng mga Salita ng Diyos lalo ngayong ipinagdiriwang ng Pilipinas ang ikalimandaang taon ng kristiyanismo.

“Kami (basilica) ay tagapagpahayag ng Mabuting Balita; ang Poong Nazareno pa rin ang dapat na aming maiparinig at marinig ng sambayanan,” ani Fr. Badong.

Ang Quiapo Church Facebook page ay may 1.6 million likes habang mahigit sa tatlong milyon naman ang followers.

Sinabi pa ni Fr. Badong na ang social media ay naging paraan ng Panginoon at ng simbahan upang maihatid ang mga Salita ng Diyos sa iba’t ibang panig ng daigdig lalo’t may 70-porsyento ng populasyon ay gumagamit ng internet sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 10,424 total views

 10,424 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 25,135 total views

 25,135 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 37,993 total views

 37,993 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 112,242 total views

 112,242 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 167,896 total views

 167,896 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567