Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Radio Veritas Grand Marian, binuksan sa Fisher Mall Malabon

SHARE THE TRUTH

 3,588 total views

Inaanyayahan ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual ang mananampalataya sa Grand Marian Exhibit ng himpilan.

Ayon sa pari ito ay magandang pagkakataon upang higit na mapagtibay ang pananampalataya ng mga Pilipinong tinaguriang Pueblo Amante de Maria o bayang namimintuho sa Mahal na Birhen.

“Mga Kapanalig kayo po’y aming inaanyayahan ngayong Oktubre sa Grand Marian Exhibit, ito ay napakagandang pilgrimage lalo ngayong ipinagdiriwang natin ang Holy Rosary Month. Patuloy nating pagnilayan ang buhay ni Hesus sa tulong at gabay ng Mahal na Ina, ang kauna-unahang tumugon sa kalooban ng Diyos para sa ikaliligtas ng sanlibutan,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Sa pangunguna ni Renee Jose ng religious department itatampok sa exhibit ang humigit kumulang 100 mga imahe ng Mahal na Birhen mula October 1 hanggang 20 sa Fisher Mall sa Malabon City.

Aniya ito ang isa sa gawain ng himpilan sa pagpapalaganap ng ebanghelisasyon at debosyon ng Mahal na Birheng Maria lalo’t ang Oktubre ay ginugunita sa bansa ang Santo Rosaryo.

“Iniimbitahan namin ang lahat na bisitahin ang ating Marian exhibit na isa sa effort ng Radio Veritas sa evangelization kung saan maaring magdasal ng Holy Rosary habang tutunghayan ang iba’t ibang pilgrim images,” ayon kay Jose.

Pinangunahan ni Fr. Vhong Turingan ang pagbasbas at pagbukas ng grand marian exhibit kasama ang mga kinatawan ng Fisher Mall Malabon.

Pinasalamatan ng Radio Veritas ang pamunuan ng Fisher Mall sa ibinigay na pagkakataong maging katuwang sa pagmimisyon ng himpilan sa pamamagitan ng grand Marian exhibit.

Para sa mass intentions and offerings makipag-ugnayan lamang sa mga kawani ng himpilan na nakatalaga sa exhibit o makipag-ugnayan sa 8925 – 7931 hanggang 39 local 129, 131 at 137 o mag-text sa 0917 – 631 – 4589.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 94,260 total views

 94,260 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 159,388 total views

 159,388 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 120,008 total views

 120,008 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 181,497 total views

 181,497 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 201,454 total views

 201,454 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

“Ikulong na ang korap!”

 19,091 total views

 19,091 total views Ito ang matapang na panawagan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pakikiisa ng arkidiyosesis sa Trillion Peso March sa November 30. Ayon sa

Read More »
Scroll to Top