Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Raffle draw to visit Palawan, inilunsad ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

 7,642 total views

Hinikayat ni Taytay Palawan Broderick Pabillo ang publiko na makiisa at tumulong sa pagpapagawa ng katedral ng Taytay na lalu pang napinsala dahil sa sunog at magkakasunod na bagyo.

Ayon kay Bishop Pabillo, ilang mga fund raising activities din ang isinagawa sa bikaryato para pondohan ang pagsasaayos ng simbahan.

Inilunsad din ng bikaryato ang Raffle draw to visit Palawan na ang layunin ay maipakita ang kagandahan ng Palawan at pagtulong sa pagpapagawa ng simbahan.

“We would need about P80 million, para matapos. Hindi kaya ‘yan ng taga-Palawan.” ayon kay Bishop Pabillo sa programang Pastoral visit on-the-air.

Si Bishop Pabillo ay ang dating auxiliary bishop at administrator ng Archdiocese of Manila na itinalagang pamunuan ang Taytay Palawan noong 2021.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na dinatnan niya ang katedral na ‘under construction’ na sinimulang itinayo noong 2009.

Ayon sa obispo, tinatayang aabot sa 80 milyong piso ang kakailanganging pondo upang matapos ang pagsasaayos ng Saint Joseph the Worker Cathedral.
Gaganapin ang Raffle draw sa December 15, 2023 na ang pangunahing mapapanalunan ay ang ‘Trip to Palawan 2024’ para sa dalawang tao para sa 4 days 3 nights stay sa Palawan.

“Dalawang bagay ang gusto naming gawin, una i-promote ang Palawan na maganda ang Palawan…pangalawa siyempre, they will be able to help us to build our cathedral. Sana po ay matulungan ninyo kami.” ayon sa obispo.

Kabilang sa mga lugar na pupuntahan ang El Nido, San Vicente at Puerto Princesa.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay magsisilbing ticket outlet ang Radio Veritas at TV Maria.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,662 total views

 8,662 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,762 total views

 16,762 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,729 total views

 34,729 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 64,059 total views

 64,059 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,636 total views

 84,636 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 11,600 total views

 11,600 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top