Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sa pagpapagawa ng access road sa Kaliwa Dam: Mga opisyal ng DPWH, MWSS dapat panagutin

SHARE THE TRUTH

 32,428 total views

Nagpasa ng Certiorari petition sa Court of Appeals si Stop Kaliwa Dam Network co-convener, Franciscan Fr. Pete Montallana laban sa mga opisyal ng pamahalaan kaugnay sa kontrobersyal na pagpapagawa ng mga kalsada para sa Kaliwa Dam project.

Ayon kay Fr. Montallana, isinantabi ng Office of the Ombudsman ang kanilang reklamo sa kabila ng pag-amin ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa 2020 Senate hearings na nagpatuloy ang Kaliwa Dam access road construction sa gitna ng mga paglabag.

“These public officials must be held accountable over the trees and mountain surfaces carved out by access road construction that are clearly located within the Real, Infanta, Nakar Protected Landscape.” pahayag ni Fr. Montallana.

Enero hanggang Pebrero 2020, nagsagawa ng mga pagdinig ang Senate Committee on Cultural Communities upang imbestigahan ang mga paglabag at epekto sa kapaligiran at mga pamayanan ng itinatayong Kaliwa Dam.

Kabilang sa mga naitalang paglabag ng DPWH at MWSS ang Indigenous Peoples Rights Act, Revised Forestry Code, at ang Expanded National Integrated Protected Area Systems Act, at iba pa.

Sinabi naman ni Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) Senior Legal Fellow, Atty. Ryan Roset na hindi na nagkaroon pa ng diskusyon upang pagtuunan ang isinampang reklamo ng Stop Kaliwa Dam Network, at sa halip ay isinantabi na lamang ito ng ombudsman.

“The Ombudsman clearly and gravely erred in unceremoniously dismissing the complaint. Worse, there was no sufficient discussion on their factual and legal basis either, and no conduct of a formal investigation or any effective exercise of its mandate in the face of overwhelming factual, jurisprudential, and legal evidence. There is also not a single element identified in Section 20 of the Ombudsman Act of 1989 required for an outright dismissal of a case that was present in the complaint-affidavit.” ayon kay Roset.

Nagsimula ang pagpapagawa ng mga kalsada para sa Kaliwa Dam project noong 2018 sa pamamagitan ng inilaang P400-milyong budget mula sa MWSS, dalawang taon bago ilantad ng Senate Committee ang mga pagkukulang at paglabag ng proyekto.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 26,594 total views

 26,594 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 40,030 total views

 40,030 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 56,568 total views

 56,568 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 66,375 total views

 66,375 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Sikatunarra project, pinuri ni Bishop Uy

 845 total views

 845 total views Kinilala ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang makakalikasang proyekto ng bayan ng Sikatuna, Bohol bilang makabuluhang hakbang tungo sa pagkalinga sa kalikasan at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top